Julia: Kung susuko ako, ano ang mangyayari sa buhay ko, ang bata-bata ko pa!

 

 

“HUWAG susuko sa bawat giyera ng buhay. Laban lang!”

Yan ang aral na natutunan ng Kapamilya actress na si Julia Barretto sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay sa murang edad.

Kung may isang young celebrity na talaga namang masasabing palaban at napakatapang sa pagharap sa mga pagsubok, yan ay walang iba kundi si Julia.

Alam naman ng buong universe na nagsunud-sunod ang matitinding isyu at kontrobersya sa buhay at career ng dalaga last year pero hindi nagpatalo si Julia.

“I chose to look the other way. I always say this, but it’s true,” ani Julia sa episode ng “I Feel U” kahapon.

“When you have a grateful heart, instead of questioning the things around you, or questioning the things that are happening to you, instead of complaining, parang mas magaan sa loob yung grateful ka na lang na nangyayari ito sa ‘yo kasi you know that it’s better preparing you for the bigger battles in life,” aniya pa.

Sey ni Julia, malaki talaga ang nagagawa ng matibay na support system sa mga panahong down na down ka at pakiramdam mo ay kalaban mo ang buong mundo.

“Ang family, when you’re hurt kasi, they are hurt. I didn’t want to dwell on the controversies so much. Hindi gagalaw yung buhay ko noon if I get stuck there.

“I am only 23. At that time, I knew I was confident that there was still so many beautiful things in store for me.

“Kung susuko ba ako ngayon, ano na lang ang mangyayari sa buhay ko ngayon? Ang bata-bata ko pa,” paliwanag ng aktres.

“My biggest lesson was just keep going, just keep moving forward until the next battle. It will never end. The biggest lesson was don’t get stuck,” aniya pa.

Read more...