Bong Revilla: I am COVID-19 positive

“NAKAKALUNGKOT po na balita — I am COVID-19 positive.”

Ito ang agad ibinalita ni Sen. Bong Revilla sa publiko matapos lumabas ang resulta ng kanyang swab test.

Sa kanyang Facebook account, nag-post ng mensahe ang senador tungkol sa kundisyon niya ngayong nahawa na rin siya ng killer virus.

“Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay. Sila Lani (Mercado) at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat.

“Kami ay nagpatest at nag-isolate agad matapos may mag-positive sa aming household at isa sa aking mga tauhan,” pahayag ng senador.

Dagdag pa niya, “I was last in the Senate on Monday before all of this, and was last out on Tuesday nung 40th day ni Daddy.

“Sa payo po ng aking doktor ay itutuloy ko ngayon ang aking quarantine, but will be under observation.

“Kasama ang inyong mga dasal, at sa grasya ng Panginoon, makakaraos at malalampasan din natin ito.

“Ngayon pa lang, salamat po sa inyong mga panalangin. Thank you for your prayers.”

Read more...