Argee Guerrero ng I Belong To The Zoo nagpositibo sa COVID

POSITIBO sa COVID-19 ang OPM singer na si Argee Guerrero ng I Belong To The Zoo.

Ibinalita ni Argee sa madlang pipol ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Ayon sa nagpasikat sa kantang “Sana”, “Tested positive for mild COVID. Quarantined in my room since July 26.”

Siniguro naman siya sa lahat ng kanyang supporters na stable na ang kanyang kundisyon.

“Don’t worry, everything is slowly going back to normal,” aniya.
Pinaalalahanan din niya ang lahat na patuloy na mag-ingat at huwag na munang lumabas kung hindi kinakailangan.

“Please stay at home if you don’t have anything important to do outside. Wear your marks properly.

“The latest toys, shoes, streetwear, and gadgets can wait. Your old and new hobbies can wait. Stay at home,” mensahe ng singer.

Bumuhos naman ang mensahe ng netizens para kay Argee na nagsabing ipagdarasal ang kanyang mabilis na paggaling.

Read more...