Molecular Laboratory sa Baguio, sarado para sa disinfection

Pansamantalang isinara ang Baguio General Hospital Medical Center (BGHMC) Molecular Laboratory sa araw ng Linggo, August 9.

Sa abiso, ito ay bunsod ng isasagawang disinfection sa nasabing laboratoryo.

Isang araw lamang isasara ang BGHMC Molecular Laboratory.

Magbabalik naman ang operasyon kabilang ang swabbing at pagtanggap ng mga specimen bukas, araw ng Lunes, August 10.

Read more...