Itutuloy na ng Kapamilya actress ang kurso niyang BS Psychology habang wala pa siyang regular na trabaho.
Sinang-ayunan naman ito ng manager niyang si Ogie Diaz dahil pang-long term na ang iniisip niya at para na rin sa mas ikauunlad ng kaalaman ng aktres
Sa Facebook Live nina Ogie Diaz at MJ Felipe nitong Sabado ay napag-usapan ang pagbabalik-eskwela ng dalaga pero kung matuloy na ang projects ng LizQuen ay prayoridad pa rin ni Liza ang trabaho.
Ang kuwento ni Ogie, “Actually, willing to work naman si Liza at si Enrique (Gil), kapag bumaba ang bilang everyday ng COVID cases puwede na silang magtrabaho. Nakakatakot kasing magtrabaho ngayon kahit naka-lock in ka.
‘’When you say naka-lock in, nandoon kayo sa isang location walang alisan at uuwi lang kayo kapag tapos na ang shoot.
“At kahit naka-lock in, hindi pa rin maIaalis na nagkakaroon ng case ng COVID.
‘’And since hindi naman tayo mukhang pera para sabihin kay Liza na, ‘sige anak gawin mo na ‘yan sayang.’ Long-term kasi ako, so mas importante sa akin ang health ng mga bata,’’ sabi ni Ogie.
Nagulat nga raw si Ogie na kay Liza mismo galing ang balitang gagawa sila ng movie ni Quen sa Star Cinema sa mediacon nito para sa isang brand.
Dapat kasi ay hindi pa ito sinasabi hangga’t hindi pa nagsisimula at base sa virtual meeting nina Liza kasama ang manager niya at ang Managing Director ng Star Cinema na si Olive “Inang” Lamasan at si Enrique.
Inamin ni Ogie na nagustuhan ng dalawa ang kuwento ng susunod nilang movie project.
‘’Maganda ang kuwento, kaya lang hihintayin pa rin nating mag-subside ang bilang ng COVID cases, ma-flatten the curve.
“Nagustuhan ng mga bata yung pinitch sa kanila ng staff ng Star Cinema at waiting na humupa (COVID) dahil sila ay ila-lock in at kung matutuloy, si direk Cathy Garcia Molina ang direktor,” sabi pa ni Ogie.