Jak pinaiyak muna si Barbie bago pinasaya sa kanyang b-day

PINAIYAK muna ni Jak Roberto ang girlfriend na si Barbie Forteza bago pasayahin sa nakaraang birthday nito.

Nagkunwari kasi ang Kapuso hunk na nakalimutan nito ang kaarawan ng dyowa nang bumisita ito sa bahay ng dalaga.
Kilig pa more ang hatid ng latest vlog ni Jak kung saan ibinandera niya ang kanyang birthday surprise para kay Barbie.

Pero ang catch nga, may kasamang prank ang kanyang pasorpresa na naging sanhi ng pag-iyak ni Barbie.

Nasanay na kasi ang Kapuso actress na laging binabati ni Jak kapag kaarawan niya, nauuna lagi ang binata sa pag-greet sa kanya pero hindi nga ito ginawa ngayon ng binata.

Nang dumalaw ang aktor sa bahay nina Barbie, akting na akting si Jak na kunwari’y wala siyang naalalang okasyon.

Mas lalo pang nagtampo ang kaniyang girlfriend nang sabihin niyang aalis din siya agad dahil kailangan niyang magpa-carwash.

“Pagka-carwash mo kaya, umuwi ka na. Para ma-cover-an mo na ‘yung sasakyan. Kasi uulan na makulimlim na,” chika ni Barbie kay Jak na halatang naiinis na sa boyfriend.

Lumabas sandali si Jak at kinuha ang regalong bulaklak para kay Barbie at pagpasok niya uli sa loob ng bahay ay doon na na-shookt si Barbie sa kanyang paandar.

“Akala mo nakalimutan ko no! Ang ganda mo naman po, happy birthday!” natatawang pahayag ni Jak.

Hindi na napigilan ni Barbie ang emosyon at napaiyak na nga sa harap ng nobyo, “Hindi niya kasi ako binati. Mga kaaway ko nga binati na ako eh.”

“Pero hindi mo nalimutan?” paniniguro uli ni Barbie kay Jak. “Hindi, siyempre!” sagot ng binata.

Tuwang-tuwa naman ang mga JakBie fans sa sweet prank ng Pambansang Abs sa kanyang GF. As in #CoupleGoals talaga ang peg ng dalawang Kapuso stars.

At siyempre, ang wish ng supporters nila ay sa kasalan na rin mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

Read more...