Matapos magpositibo si Leviste sa COVID…Richard siniguro ang istriktong health protocol sa Probinsyano

WALANG dapat ikabahala ang pamilya at mga kaibigan ng mga nakatrabaho ni Batangas Vice-Governor Mark Leviste sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ito’y matapos ngang mabalita na nag-positive sa COVID-19 ang politiko base sa resulta ng kanyang swab test nitong nakaraang linggo.

Gumanap na kanang kamay ng karakter ni Richard Gutierrez si Leviste sa teleserye ni Coco Martin. Pero sabi ni Richard, hindi naman sila naalarma na baka nagkahawahan na rin sila sa set ng “Probinsyano.”

“Nakasama namin si Mark last sa Batangas I think first week of July so medyo matagal na panahon niya. Recently lang siya nagpa-swab,” simulang pahayag ni Richard sa kanyang online presscon recently.

Aniya pa, “Nakakalungkot nga kasi si vice gov sobrang welcoming din niya and then talagang nagtiya-tiyaga siya. Nakasama namin siya sa set, naghihintay siya sa set and ang sarap niyang kasama, ang sarap kakuwentuhan.

“Nakakalungkot lang na nangyari sa kanya yun but I think he’s going to recover fast. Pero very optimistic naman siya. In high spirits. So I think kayang-kaya niya talunin,” sey pa ni Chard.

Istriktong ipinatutupad sa location ng FPJ’s Ang Probinsyano ang health protocols kaya sey ni Richard safe na safe sila habang nagtatrabaho.

“Nagpa-swab test na kami, eh. I think we did the swab test around July 10 and then negative naman kami lahat so thank God. Pero I don’t think he was positive at that time. I think he got it after our taping.
“Mandatory yung swab tests before and after. Bago kami umuwi sa mga families namin, sinwab test kami and then wait for the results and then tsaka pa lang kami pinayagang umuwi,” sabi pa ng aktor.

Paniniguro pa ni Richard sa safety ng lahat sa taping ng serye, “Habang naghihintay kami ng results, walang puwedeng lumabas sa lugar namin and siyempre, social distancing and then we would follow all the protocols.
“We also have to do quarantine for 14 days before our taping. So parang ganu’n din. Parang nag-quarantine din kami,” dagdag pa ng bagong kontrabida ni Coco sa “Probinsyano.”

Read more...