Resbak ni Andi sa nang-okray sa kulay ni Philmar: He’s maitim, hello that’s so nice kaya!
IPINAGTANGGOL ni Andi Eigenmann ang partner niyang si Philmar Alipayo sa mga netizens na hindi pabor sa kanilang relasyon.
May mga nagsasabi kasi na hindi sila bagay, mas marami pa raw sanang lalaki na makikilala si Andi kung hindi niya iniwan ang showbiz para manirahan sa isla.
Sa bagong vlog entry ni Andi sa kanyang YouTube channel na “Happy Islanders”, naikuwento ng aktres at ni Philmar ang tungkol sa kanilang relasyon — kung paano sila nagkakilala at nagkainlaban.
Inamin ni Philmar na maraming namba-bash sa kanya mula nang aminin nila sa publiko ang kanilang relasyon. At medyo nahirapan daw siyang mag-adjust sa pagkakaroon ng dyowang artista.
“Mahirap at first because people will come to me na bashing me,” matipid na sabi ni Philmar.
Singit naman kay Andi, alam niyang marami ang nanglalait sa kulay ng balat ni Philmar, “Parang bakit yung Pilipino sa tingin nila yung itsura ng Pilipino pangit. Like my partner’s maitim, hello that’s so nice kaya.”
“I didn’t think people would be saying bad things to Philmar just because of his skin color and also because he’s from the province,” aniya pa.
Nakiusap din ang dating aktres na sana’y tigilan na ng ibang tao ang paniniwala na porke’t galing probinsya ay wala nang karapatan magtagumpay sa buhay.
“I hope that Filipinos would get rid of that mentality that if you’re from the province that you are not successful.
“That that means you’re inferior to everyone else who is finding jobs in the city, because that’s not the meaning of success and also every person is different,” aniya.
“There are just people who think that life for them is much better and gives more meaning staying on an island just like me and Philmar. And that’s why we’re happy together here,” dugtong pa ni Andi.
Hindi rin siya nagsisisi na mas pinili niya ang buhay sa isla kesa sa kanyang showbiz caeer dahil dito raw talaga niya nakita ang tunay na kaligayahan.
“We’re here because we’re happy to be here and he never left the island because he wants to be on the island. It doesn’t mean because he’s not successful.
“But that’s okay because while people are being mean, we’re happy,” diin pa ni Andi.
Naikuwento rin ni Andi ang isang eksena nang lapitan siya ni Philmar para sabihin ang nararamdaman niya nang malaman ang pagkontra ng ilang tao sa kanilang relasyon.
“Sabi niya, ‘people don’t like us together because taga-isla lang ako,’ he said that to me OMG,” ang may awa epek pang kuwento ni Andi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.