Pakiusap ni Kim sa dumadaing na health workers: Wag sana kayong panghinaan ng loob
NAGPAHAYAG ng pangamba ang Kapamilya actress na si Kim Chiu para sa mga medical frontliners matapos makita ang balita tungkol sa mas tumataas pang bilang ng COVID cases sa bansa.
Kasabay nito, nakiusap din ang aktres sa mga healthcare workers na dumadaing na sa matinding hirap na kanilang dinaranas sa patuloy na paglaban sa coronavirus.
Aniya, sana’y huwag susuko ang mga bayaning frontliners lalo na ang mga doktor at nurse sa mga ospital dahil sila talaga ang kailangang-kailangang sa laban na ito ng sambayang Pinoy.
Ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram Stories ang isang graph kung saan makikita ang patuloy na paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y mula sa Google COVID-19 updates para sa mga buwan ng April, May, June at July. Makikita rito ang biglang pagsirit paitaas ng mga kaso noong July 28.
Mapapansin sa graph na sa huling araw ng July, nagkaroon ng 3,980 bagong kaso ng COVID sa Pilipinas.
Caption ng aktres sa kanyang IG post, “…mapapa silip ka parin dito. last march sabi natin cguro by july august tapos nato. But look at that graph mas tumaas pa LALO. [pensive face emoji].”
Dasal pa niya para sa mga frontliners na tinawag niyang “modern day heroes.”
“Please Guide our modern day HEROES. [praying hands, white heart emojis].
“Wag sana kayong panghinaan ng loob. Lalo na sa nangyayari ngayon. [pensive face emoji],” sey pa ni Kim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.