‘Sorry’ ni CJ Villavicencio di aprub kay Ely Buendia: Dapat turuan ng leksiyon

 

MUKHANG mauubos ang napanalunang isang milyong piso ni CJ Villavicencio bilang grand winner sa online reality show na “The Pop Stage” hosted by Matteo Guidicelli.

Ito’y posibleng mangyari kapag natuloy ang planong pagsasampa ng kasong plagiarism under Cybercrime Prevention Act of 2012 laban sa kanya.

Matatandaang sinita si CJ ng kompositor at theater actor na si Jeff Flores dahil sa entry niyang medley ng awiting “Pare Ko” mula sa “Huling El Bimbo: The Musical” na ipinalabas sa Resorts World noong 2019. May ilang parte raw dito ang kinopya ni CJ.

Nakatawag pansin ang isyung ito sa Eraserheads frontman na si Ely Buendia maging sa kompositor ng “Pare Ko” na si Myke Solomon.

Bagama’t nag-isyu na ng public apology si CJ sa nagawa niyang pagkakamali at hindi naman daw niya iyon intensyon, tila hindi ito tinanggap ni Ely dahil inuudyukan niya ang “AHEB” production na gumawa ng aksyon sa ginawa ni CJ.

Base sa post ni Ely sa kanyang Facebook page nitong Miyerkoles ng gabi, “I am appealing to the people, companies and corporations involved in the AHEB plagiarism issue. You alone have the power to make this right.

‘’You have the power to teach a young man and all the young people out there about to join the world, our children, a most valuable lesson that can have no other effect except make them good and become better.

“You have the power to stand up for and give back to the art which has been a source of life for all of us. You have the power to set an example and for once do the right thing, and become a beacon of hope in these dark times ruled by greed, hate and lies.

“Yes there are even more pressing matters out there, but in the end this will not just be about a song, a contract, a million pesos, or credit. Your actions will set a precedent and have repercussions in the years to come.

‘’On which side of history do you want to be on? Search your hearts for the truth and it will set you free.’’

Bukas ang pahinang ito para sa panig ni CJ Villavicencio.

Read more...