#SanaAll: Taylor Swift napa-WOW sa cake na gawa ng Pinoy fan

 

NAKARATING na sa award-winning American singer na si Taylor Swift ang viral cake na pinagpagurang gawin ng kanyang Filipino fan.

Puring-puri ng international singer si John Paul Cledera na siyang nag-bake ng cake na may frosting na inspired sa singer-songwriter latest record na “Folklore.”

Sa Twitter, ipinost ni John Paul ang regalo niya sa kanyang idol. Aniya, tumagal ng two hours bago niya natapos ang art work sa cake.

Tinulungan din daw siya ng kanyang kapatid na si Nicole Anne para mabilis itong matapos na aniya’y bahagi ng kanilang selebrasyon para sa success ng 8th studio album ni Taylor Swift.

“I MADE @taylorswift13 A CAKE TO CELEBRATE THE SUCCESS OF #FolkloreAND #cardigan.

“I LITERALLY PAINTED THIS USING FROSTING FOR ALMOST 2 HOURS,” tweet ni John.

Siyempre, bumuhos agad ang pagbati at papuri kay John Paul mula sa iba pang Swifties na naging dahilan ng pagiging viral ng bonggang cake.

Super na-appreciate naman ng international singer ang gift sa kanya ni John Paul. Aniya, “WOW this is incredible! Thank you so much for making this. I also saw your Instagram and your art is phenomenal!”

Libu-libong likes, retweets at commments naman ang natanggap ng message ni Taylor mula nang i-post niya ito.

Super thankful naman si John Paul sa kanyang idol dahil napansin nito ang kanyang artwork. Nagpasalamat din siya sa lahat ng nag-send sa kanya ng pagbati at paghanga lalo na sa Taylor Nation.

Read more...