Kim emosyonal sa pagtatapos ng ‘Love Thy Woman’, nag-thank you kay Boyet

 

 

ILANG linggo na lang at mamamaalam na sa ere ang teleseryeng “Love Thy Woman” nina Kim Chiu, Xian Lim, Yam Concepcion, Sunshine Cruz, Eula Valdez, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Gutierrez at Christopher de Leon mula sa Dreamscape Entertainment.

Kaya naman nu’ng huling taping day ng serye ay emosyonal ang lahat at pinasalamatan nila ang isa’t isa dahil kahit na inabot sila ng COVID-19 pandemic ay maayos nilang natapos ang taping ng serye.

Napapalapit nang husto si Kim sa mga nakakasama niya sa teleserye at nalulungkot siya sa tuwing magtatapos na ang programa.

At isa na nga si Christopher sa pinasalamatan niya na tatay niya sa “Love Thy Woman.”

Ipinost ni Kim ang larawang magkayakap sila ni Boyet na tila nagsusumbong siya. Kuha ito sa isang eksena nila.

“Papa Adam!

“Thankful for the opportunity to have worked with you tito @sgt.pepper8 star struck at the beginning actually till the end. Things went crazy in the middle due to him affected by covid19. We all got worried.

“Praise God you survived and passed that stage. Thank you tito bo for teaching all of us that no matter how far, how high you have become as an actor, working with you made me learn so many things.

“Professionalism at its finest! The same level of acting no matter you are seen on cam or off cam, Support thy co-actor, and most especially your faith in God. Nakakabilib po!

“Thank you, Tito bo. Lucky to have worked with you. I hope to work with you again in this lifetime! Stay safe and healthy tito.  – Kim,” caption ng dalaga.

Samantala, matatapos na ang kuwento ni Adam Wong pero hindi siya makakasama sa pagtatapos nito dahil pinatay na nga ang karakter ni Boyet.

Kaya ang sabi ni Kim bilang si Jia Wong, “Hahanapin natin ang hustisya na nararapat para sayo Papa Adam. JiaWong #lovethywoman.”
 

Read more...