Celebrity endorsers ng Japan products tinataguan ng may-ari, kumpanya biglang nagsara

NAGULAT ang isa sa endorser ng mga produktong galing Japan dahil sa biglang pagsasara ng kumpanya nito.

Hindi raw kasi siya inabisuhan pati na ang iba pang endorsers ng may-ari ng kumpanya.

Ang tsika sa amin, “Hindi na mahagilap kung nasaan ang owners dahil hindi na nagpapakita sa office.

“Ang daming taong naghahanap sa kanila. Hindi rin sinasagot ang mga tawag ng mga taong kinunan nila ng supplies,” pahayag pa ng kausap namin.

Ang Japan products ay talagang maganda at matibay at sa katunayan ay napapayag nilang maging endorser din ang kilalang personalidad.

Kahit pa malaki ang talent fee nito ay kinuha pa rin nila para iendorso ang mga nasabing produkto dahil epektibo naman talaga siya pagdating sa pagiging brand ambassador.

Pero mukhang isang taon lang tumagal ang kilalang personalidad dahil napalitan na kaagad siya ng isa pang celebrity na higit na mas mura ang talent fee.

Hindi lang kami sigurado kung effective endorser siya dahil nang magtanong kami sa mga outlet ng Japanese store ay umamin ang ilang staff na hindi siya kasinglakas ng dating endorser.

Hindi na raw masyadong bumebenta ang tindahan nila simula nu’ng palitan ang kilalang personalidad.

Ang ineendorsong slimming tea ng sikat na aktres ay super mabenta pa rin at sa katunayan naging interesado ang may-ari ng malaking supermarket na mag-invest.

At mukhang pumayag naman ang Japan products owners dahil nakikita namin sa supermarket ang nasabing tsaa na pampapayat.

Anyway, going back sa mga nakausap naming endorsers, pati sila ay tinataguan na raw dahil kapag tinatawagan nila ang cellphone ng owner, ang sabi ng sumasagot ay iba na ang may-ari ng nasabing numero.

Read more...