Luis tinapatan ang viral ‘bathtub’ photo ni Jerry Yan: Papunta ka palang, nakailang balik na ako…

BENTANG-BENTA ngayon sa social media ang “bathtub” paandar ni Luis Manzano bilang pangtapat niya sa viral photo at video ng Taiwanese actor na si Jerry Yan.

Trending ngayon ang video ni Jerry kung saan makikita siyang nakahubad sa bathtub. Naka-post ito sa kanyang Instagram account na @jerryyan143 na may caption na, “Short clip!  #CountYourLuckyStars #creditstoweibo.”

Nag-post din si Luis sa Instagram ng litrato kung saan pinagtabi niya ang litrato nila ni Jerry na parehong nasa bathtub.

“Di naman sa pang-aano Jerry Yan, papunta ka palang, naka-ilang balik na ako… spell Sexy? L-U-I-S. Boom,” ang caption ni Luis sa kanyang post.

Aliw na aliw at tawang-tawa ang mga IG followers ni Luis sa bago niyang paandar at karamihan ay nagsabing tanging si Luis lang ang makakagawa ng ganitong klase ng katatawanan.

Habang sinusulat namin ito ay nasa 46k likes at 1,390 na ang mga nakatutuwang komento sa litrato nina Luis at Jerry.

Ang viral na video clip ni Jerry ay kuha sa bago niyang drama series na “Count Your Lucky Stars” kasama ang bagong leading lady na si Shen Yue.

Post ni @zhanyeux, “HE IS MY FIRST CELEBRITY CRUSH. THE ONE AND ONLY JERRY YAN. THE FIRST MAN WHO MADE MY GIRLHOOD TREMBLE. BTCH HE IS 43(?) AND HE LOOKS LIKE THIS?”

Say naman ni @pussysolittle, “The older he gets, the yummier he becomes. Jerry Yan everyone.”

Samantala, hindi naman magkamayaw ang fans ni Jerry dahil hinihila na nila ang oras para sa premiere ng drama series nito ngayong 8 p.m. sa Youko TV.

Read more...