Richard alagang-alaga ni Coco sa Ang Probinsyano: Grabe siya, nakakabilib!

 

MAS bumilib at mas tumaas pa ang respeto ni Richard Gutierrez kay Coco Martin nang makatrabaho na niya ito sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Dito niya mas nakilala pa ang Kapamilya actor at napatunayan niyang ibang klase pala talaga itong magtrabaho — bilang aktor at direktor.

Nakausap ng ilang members ng entertainment media si Richard kahapon sa ginanap na digicon via Zoom para sa pagpasok nga niya sa “Ang Probinsyano” bilang bagong kontrabida ni Coco at love interest ni Yassi Pressman.

“I’m very thankful na napasok ako dito sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. Si Coco nga nag-usap na kami niyan before and sabi nga niya gusto niya akong makatrabaho. Sabi ko ganu’n din ako, gusto ko siyang makatrabaho.

“So, sabi niya titingin tayo ng opportunity. Gusto sana kita i-guest sa ‘Ang Probinsyano.’ Sabi ko, ‘Game, any time! Just let me know kung kailan.’ And then finally nga dumating yung offer and then tinanong ko yung role,” kuwento ni Richard.

Wala raw siyang masasabi sa kabaitan at pagiging professional ng actor-director, sa katunayan napakainit ng pag-welcome sa kanya ni Coco at ng buong production ng Dreamscape Entertainment sa unang araw ng taping niya.

“Kinausap ako agad ni Coco pagdating sa set and then nilatag niya sa akin yung character ko, yung magiging kuwento, yung tinakbo, yung part tapos kung saan pupunta.

“Kumbaga kinausap niya ako in a way na parang pina-relax niya ako na ‘Welcome ka dito sa grupo namin. Ito yung gagawin natin.’ Hindi ko rin makakalimutan yung sinabi sa akin ni Coco na, ‘Dito sa Probinsyano teamwork tayo.’

“Kaya nagwo-work ang ‘Probinsyano’ kasi teamwork and story-based talaga lahat. Kumbaga naka-focus sa story at hindi sa isang tao lang or sa isang character lang.’ So na-appreciate ko yun kay Coco na winelkam niya ako ng ganu’n,” lahad ni Richard.

Pagpapatuloy pa niya, “Nu’ng first day namin, du’n pa lang in-establish na niya yung magiging parang rapport namin kasi as a director, ramdam ko talaga na pinapaganda niya yung mga eksena.

“Yung mga eksena ko nararamdaman ko na inaalagaan niya. Kumbaga ang daming anggulo, ang daming shots, tapos ayaw niya ng mga eksena na parang puwede na.

“As a director, ramdam ko na alam niya yung hinahanap ng artista, alam niya yung shots so, ang galing niya as a director and pinaramdam niya sa akin na inaalagaan niya ako.

“Katunayan nga niyan nu’ng first day sa taping, napansin ko parang ako na lang ang kinukunan niya, parang nakalimutan yata niya yung sarili niyang kunan.

“Kasi parang naka-concentrate siya masyado sa mga eksena ko sabi niya sa akin, ‘O, nakalimutan ko kunan yung sarili ko. Ako naman.’ So parang alagang-alaga ako sa set,” pahayag pa ni Richard.

Papuri pa niya sa Teleserye King, “Si Coco napakabait sa akin at lahat ng staff niya, lahat ng crew, kumbaga kilalang-kilala na niya lahat, so parang well-oiled machine na sila.

“Kapag sinabi ni Coco na ganito, alam na agad ng staff or ng mga cameraman kung anong gagawin. So ang bilis nu’ng shoot namin. Gusto ko yung ganun eh, yung mabilis, yung wala masyadong hintayan, tuloy-tuloy yung mga eksena para maaga din kami matapos,” dagdag pa niya.

“As an actor naman, ang galing din Coco kasi imagine switching from director to actor, that’s not easy di ba. I guess nakasanayan na niya and I think yung character niya as Cardo humang hulma na kumbaga alam na alam na niya.

“Bilib ako sa energy niya kasi siya din ang nagdi-direct ng mga eksena at the same time alam niya yung lines ng mga tao, alam niya yung blocking. So for me, nabilib ako sa kanya du’n.

“Grabe yung mental focus niya. Collaborative si Coco, eh. Very open siya creatively. Pag may suggestion ako or pag may suggestion yung ibang actors, hindi lang ako pero lahat, sabi nga niya teamwork so kung ano yung ikagaganda ng character or ikagaganda ng show, du’n kami pupunta. Pag may ideas ka, naa-appreciate niya yun,” sabi pa ni Chard.

Read more...