KILIG na kilig at super aliw ang mga netizens sa birthday message ni Camille Prats para sa asawang si VJ Yambao.
Ramdam na ramdam daw kasi nila ang sobrang pagmamahal ng Kapuso TV host-actress sa kanyang mister nang mabasa nila ang birthday greeting nito sa Instagram.
“Sana all” ang nagkakaisang komento ng kanyang IG followers kasabay ng pangakong ipagdarasal nila ang “forever” ng mag-asawa at sana’y biyayaan pa raw sila ng maraming anak.
Ang nasabing heart-warming message ang isa sa mga regalo ng “Mars Pa More” host kay VJ na idinaan nga niya sa Instagram.
“Happy birthday my love! Grabe. How amazing it is to be stuck at home with you!
“But really love, it is amazing and I do enjoy most parts of it. Each waking day, I thank God for you and the family He has blessed us with,” simulang pahayag ni Camille.
Dagdag pa niya, masaya rin niyang sinasakyan ang pagiging palabiro ng asawa, “Your dad jokes! Grabe, kung pwede ko lang i-share sa lahat ang lahat ng corny jokes mo na super benta sa akin each and every time, please don’t ever get tired of doing that.
“Been riding your ‘toyo’ for almost 8 years and counting and I wouldn’t have it any other way. Thanks for tolerating mine too.”
Samantala, tutukan ang masayang kumustahan at chikahan ng Kapuso mommies na sina Camille at Iya Villania sa “Mars Pa More,” tuwing umaga sa GMA 7.
* * *
Certified daddy’s girls talaga ang dalawang anak ng Kapuso actor na si Mike Tan.
Sinisiguro ng Kapuso actor na may quality time sila ng kanyang mga anak na sina Victoria at Priscilla habang naka-quarantine.
Sa isang Instagram video, ipinakita ni Mike ang palitan nila ng tingin ni Baby Priscilla na tila kinukumpirma na siya ang “favorite parent” nito.
“Yesterday she said ‘mama’ clearly for the first time (medyo galit pa nga, haha). Feeling tuloy ng asawa ko panalo na naman siya.
“Pero kanina may ganito kaming game: exchange glances with your favorite parent. Kaya sure ako na Daddy’s girl din siya like Ate Tori,” caption ng aktor sa video with matching hashtags #CompetitiveParenting, #PriscillaCTan, #5monthsold, #daddydaughterbonding, #daddysgirl at #goodvibes.