Uge siniguro ang istriktong taping sa new normal; Edgar Allan manghahanting ng ka-date

 

EXCITED na ibinandera ng TV host-comedienne na si Eugene Domingo ang kanyang pagbabalik-taping sa ilalim ng “new normal.”

Ito’y para sa nalalapit na fresh episodes ng pinagbibidahang award-winning comedy anthology na “Dear Uge Presents” sa GMA 7.

Kamakailan ay ipinasilip ng Kapuso actress sa kanyang Instagram followers kung paano isinasagawa ng kanilang team ang pagte-taping ng show sa gitna ng pandemya.

Makikitang maingat na sinusunod ng staff at production crew ang bagong protocols alinsunod sa precautionary measures na ipinatutupad ng GMA Network.

“Much appreciation for all the staff, crew and artists on our first #dearugepresents taping. We will give you fresh episodes soon. Thank you loyal viewers! #kapitlangkapuso #practicingnewnormal,” ani Uge sa kanyang post.

Samantala, dahil nga ibinalik sa modified enhanced community quarantine ng pamahalaan ang NCR at ilang probinsya, pansamantala ring ititigil ang taping ng ilang GMA shows.

* * *

May chance na ang netizens na maka-virtual date ang Kapuso heartthrob na si EA Guzman.

 

Ngayong Huwebes, Aug. 6, si EA ang celebrity searcher na sasalang sa fun online dating game na “E-Date Mo Si Idol” ng GMA Artist Center.

 

Mag-comment lamang sa social media posts ng GMA Artist Center kung bakit ikaw ang dapat piliin ni EA! Ano pa ang hinihintay mo? Join na!

 

Abangan ang “E-Date Mo Si Idol,” hosted by Divine Tetay, ngayong Huwebes, 8 p.m., sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.

Read more...