Karla sa dream wedding: Pangarap din ng mama ko iyan, wala pa siyang naikakasal na anak | Bandera

Karla sa dream wedding: Pangarap din ng mama ko iyan, wala pa siyang naikakasal na anak

Ervin Santiago - August 04, 2020 - 09:55 AM

 

AMINADO si Karla Estrada na naging pasaway siya noong kabataan niya kaya nakagawa rin siya ng mga maling desisyon.

Maagang nagtrabaho ang TV host-actress at naging breadwinner sa kanilang pamilya. Sa edad na 16 ay napasok siya sa showbiz hanggang sa makagawa nga ng sarili niyang pangalan.

Naging nanay naman siya sa edad na 19 nang ipanganak ang anak niya kay Rommel Padilla na si Daniel. At hindi rin daw naging madali para kay Karla ang pagsabayin ang career at pagiging ina may DJ.

Nagpapasalamat din siya sa kanyang ina na nakasama niya sa hirap at sa ginhawa, sa kanyang pagbagsak at sa muling pagbangon.

“Ang laking tulong sa akin nu’ng nanay ko na kasama ko at that time. Kasi ang daming projects na nakapila dahil nag-i-start pa lang ako.

“Maaga rin ako nag-artista. At 16, nag-aartista na ako. Pa-peak na rin ‘yung career at the same time, ang tigas na rin ng ulo ko at that time,” ang pahayag ni Karla sa panayam ng “I Feel U” kamakailan.

Aniya pa, “Siguro dahil sa ako lang ‘yung nagwo-work for the family, ako din ang boss, walang makapagsabi sa akin kung ano ang tama at mali.

“Meron man, medyo matigas ang ulo kaya along the way meron akong pagkakamaling decisions na nagagawa,” chika pa ng nanay ni DJ.

In fairness, madiskarte na noon pa si Karla kaya kahit paano’y naitatawid niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga anak.

“Kasi ‘yung pera and material na bagay, nagagawan ko iyan ng paraan dahil nga meron tayong kakayanan kung paano kumita ng marangal.

“Kung mahiwalay ka (sa partner mo), ikaw na naman mag-isa di ba. Kahit naman meron akong kinakasama noon, hindi naman niya kailangang buhayin ‘yung buong pamilya, di ba?

“Buti na lang may support sa bawat mga ama, hindi naging masyadong mahirap para sa akin. Ang iniintindi ko na lang ‘yung payables na bills every month,” pahayag pa ng “Magandang Buhay” host.

Bilang ina, ano ang masasabi niyang “greatest reward” na natanggap niya? “Yung pagiging maayos ng pag-uugali ng mga anak ko. Kilala nila ang Diyos, may takot sila sa Diyos.

“‘Yung bago gumawa ng hindi maganda, mag-iisip muna dahil alam nilang may Diyos,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tanong kung nakikita pa rin ba niya ang sarili na ikinakasal? “Oo naman, sana. Pangarap din kasi ng mama ko iyan. She’s 76 already, wala pa siyang naikakasal na anak.”

Happy ngayon ang lovelife ni Karla at mukhang sa simbahan na nga raw ang tuloy ng relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jam Ignacio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending