Misis ni Matt Evans pumalag sa haters: He’s the best husband and father in the world!

 

IPINAGTANGGOL ng kanyang asawa ang Kapamilya actor na si Matt Evans matapos itong arestuhin ng mga pulis sa kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila nitong nagdaang Biyernes.

Kasabay nito, ayon sa kampo ng aktor, hindi sa kasong physical abuse hinuli si Matt kundi sa hindi raw nito pagbibigay ng sustento sa anak niya sa dating live-in partner na si Johnelline Hickins.

Sa unang ulat, dinampot ng mga operatiba ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section (MPD-WSS) si Matt sa mismong bahay nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 12.

Ito’y dahil umano sa paglabag umano ng aktor sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004. Ngunit may lumabas namang report na inaresto si Matt dahil sa isa pa nitong kaso.

Sa kanyang Instagram account, dumepensa naman ang misis ni Matt na si Katrina Farinas-Evans at mariing pinabulaanan ang mga malilisyosong balitang ibinabato sa aktor.

“Sa lahat na nakakakilala talaga kay Matt, alam na hindi totoo ang bali-balita. Hindi lahat ng nababasa o napapanood ay totoo. Sadyang may mga tao lang talagang hindi makuntento,” sabi ni Katrina.

Dugtong pa niyang mensahe para sa asawa, “I love you @matt3vans!! The best husband and father in the world!! I could not ask for more!! #NoToFakeNews— FYI: 2012 pa sila huli nagkita. wag mali mali ang binabalita at wag agad manghusga.”

Pati ang anak ni Katrina na si Hayden mula sa dati niyang karelasyon ay nag-post din ng mensahe sa IG para sa kanyang stepdad.

“This is my dad. I love my dad. He is my hero. My dad is a good person.

“Do you know the real story? NO. What you see on social media isn’t always real.

“Don’t believe everything you see or read on social media. I love you, daddy! @matt3vans,” aniya pa.

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pa ring inilalabas na official statement si Matt Evans tungkol sa pagkakaaresto sa kanya.

 

Read more...