12 volcanic quakes sa Bulkang Taal sa magdamag

Nakapagtala ng labingdalawang volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, ang mga pagyanig ay bunsod ng pagkakaroon ng proseso ng rock-fracturing sa bulkan.

May naitala ring weak steaming activity sa bulkan na ang taas ay umabot sa 50 meters.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 (Abnormal) sa Mt. Taal at inabisuhan ang publiko na maaring magkaroon nf sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at expulsions ng volcanic gas anumang oras.

Read more...