Iya tinawag na ‘superwoman’ matapos manganak; 2 iri lang lumabas agad ang baby

 

BUMILIB ang mga kababaihan, lalo na ang mga mommy sa katapangan at pagiging cool ni Iya Villania habang nanganganak.

 

In fairness, talagang nai-video pa ng Kapuso TV host-actress ang kanyang sarili habang nagle-labor sa loob ng ospital.

 

Ibinahagi ni Iya sa publiko sa pamamagitan ng isang vlog ang ilang eksena habang ipinapanganak niya ang third baby nila ni Drew Arellano na si Alana Lauren nitong nakaraang July 18, 2020.

 

Aliw na aliw ang mga nakapanood sa latest post ng Arellano family sa kanilang YouTube channel kung saan makikita nga si Iya na very relaxed at cool na cool sa panganganak. Sa katunayan, matapos ang dalawang bonggang-bongga pag-iri ay lumabas na si Baby Alana!

 

Kitang-kita rin sa video na nagtalunan talaga ang mga doktor ng Kapuso host nang makita na baby girl ang isinilang ng misis ni Drew. Ang akala kasi ng lahat ay lalaki uli ang magiging ikatlong anak ng Kapuso couple.

 

“In celebration of our baby girl’s 2nd week into this world, we thought it would be nice to share what D-day was like for us even in the middle of this pandemic.

 

“We know mamas giving birth during this time must be scared but hope this will ease you up a bit.

 

“Times may be scary but have faith and remember the beauty of what you’re about to go through.

 

“I guess you can say this was also the gender reveal. Again, thank you to our doctors @cesreyesmd, Dr. Liza Cruz, @shaneluciano, and all the nurses who took care of us.

 

“Hello, princess. Hello, baby Alana,” ang caption ni Iya sa kanyang vlog.

 

Ayon sa ilang fans ng “Chika Minute” anchor, sana kapag nanganak din sila ay ganu’n din kadali, as in dalawang iri lang ay lumabas agad ang bata.

 

“Amazing! Ibang klaseng nanay talaga si Iya! Sana all! Kung ganun lang kadaling manganak ok lang mabuntis nang mabuntis. Hahahaha! At nakapag video pa!”

 

“OMG! How can you film at that moment? You’re so amazing! Superwoman indeed!!!”

 

“This is the BEST vlog I’ve ever watched. So much love for the Arellano family!”

 

“Youre the best! Alagang alaga kasi ang pregnancy nya kaya parang walang kahirap hirap. And magagaling din talaga ang mga doktor nya kaya walang kaeffort effort!”

 

Yan ang ilan lamang sa mga reaksyon ng mga nakapanood sa vlog ni Iya.

Read more...