Bakit hiyang-hiya si Kris nang makauwi sa bahay matapos ang ECQ?

 

 

 

SA lahat ng loyal fans at supporters ni Kris Aquino, ito na ang part 3 ng mga naging sagot niya sa tanong ng entertainment media para sa pagbabalik niya sa telebisyon.

Tuloy na tuloy na ang pag-ere ng bago niyang talkshow na “Love Life with Kris” sa TV5 simula sa Aug. 15 kaya siguradong excited na ang lahat ng mga naka-miss sa kanya.

Pero bago nga iyan, ito muna ang pagpapatuloy ang huling bahagi ng Q&A session with Kris.

Whatever happened sa plano na magkatrabaho kayo ni Willie Revillame? Posible pa rin ba ‘yun?”

“You know, bilog ang mundo.  Walang imposible!  He’s one man that my children respect very much.

“He’s somebody who gain nothing from defending us, but he has continued to be our friend.  So, I’m very grateful for that,” sagot ni Kris.

Naka-relate ka ba sa karakter ni Go Hye-Ryan sa 2018 Korean series na “Misty”?  Pag-ibig o katuparan ng ambisyon, alin ang pipiliin mo?

“Kung gano’n naman kaguwapo ‘yung lawyer, at gano’n lang naman ang itsura ni golfer, do’n na ako kay lawyer! At kung gano’n nga ang itsura nu’ng lawyer, at naging Chief Justice ng Korea, no questions asked, tatalikuran ko ‘yung career!” diretso niyang sagot.

Sa mga kaganapan sa ating bansa sa panahon ng pandemya, napag-isip-isip mo bang makabubuti na paghandaan mo na rin ang pagsabak sa pulitika?

If ever, sino ang role model mo, si Pasig City Mayor Vico Sotto, si Ormoc City Mayor Richard Gomez, si Congw. Vilma Santos, Sen. Kiko Pangilinan, si Vice President Leni Robredo?

“If there’s one thing that I’ve learned, nanggaling ito sa dad ko – huwag mong ibunyag ang mga plano mo dahil paghahandaan ka nila!

“So, kung role model, bakit ako lalayo pa?  Doon na ako sa mga magulang ko! Pero, I don’t think 2022 is my time.”

Honestly, na-imagine mo ba na makakagawa ka ulit ng talk show at makakabalik ka sa TV pagkatapos ng mga nangyari?

“Yes. Because my ate told me.  She envisioned the day that I would be back, and that I could share my story of everything that I went through, so that people would know. Walang imposible! Kaya basta huwag kang susuko!”

Please share naman ‘yung mga realizations mo sa life sa gitna ng hinaharap nating pandemic?  Mas naging wise spender ka ba now at mas lalo pang naging prayerful?

“Hindi ko tinigil ang suweldo ng mga tauhan ko kahit na wala kami sa bahay.  Sinigurado ko na kung nasaan kami, sa abot ng makakaya ko, dahil bigas ang kailangan nila, ilang beses akong tumulong doon.

“Alam ko, marami ang nagsasabi, ‘Bakit mo kinukuwento?’ Kinukuwento ko dahil tayong mga may mga kakayahan, dapat tumulong tayo.

“Na-realize ko rin na the best gift na kaya kong ibigay doon sa mga nag-stay loyal sa akin, dagdagan ko o i-top up pa ang health insurance nila.  You take care of the ones who take care of you.

“And now, I also realize that I have to give the gift of education to the next generation, because that’s the only way we will recover.

“Kung naging mas simple ako, oo naman.  Kasi, may dalawang anak ako.  Alam ng lahat, hindi ko tinago. immuno-compromised ako.

“Alam ng lahat na solo akong nagpalaki sa kanila, lalo na sa aspetong pinansiyal.  So, I have to be responsible.

“And nu’ng umuwi ako, nahiya ako.  Nahiya ako na gano’ng kadaming damit na meron pang mga tags, gano’ng karaming shoes na hindi pa nasusuot.  Kaya, awat muna, hindi kailangan!” mahaba niyang sagot.

In all honesty, nagkakausap pa ba kayo ng matalik mong kaibigan na si Boy Abunda? Or magkaibigan pa rin ba kayo?

“Yes, we talk.  And he gives me good advice.  And he knows, and I know, we love each other.”

Read more...