Mikee namatayan ng kaibigan dahil sa COVID: Nakakaiyak, tapos wala pang burol

 

ISANG bagong single ang hatid ng Kapuso actress na si Mikee Quintos para sa lahat ng dumaranas ng pagsubok ngayong panahon ng pandemya.

 

Ang single na “Ngayon” ay alay ni Mikee sa mga taong nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa COVID-19 crisis.

 

Sa panayam ng GMA, ibinahagi ni Mikee na isang malapit na kaibigan ng kanilang pamilya ang pumanaw matapos tamaan ng killer virus.

 

Kwento niya, “When I heard the news, it was really sad. Nakakaiyak lang na ‘yung thought na walang burol, hindi pwedeng magburol.

 

“Inikot nila ‘yung coffin niya in a car sa barangay. Sobrang biglaan lang ng lahat. I’m praying for everyone who lost a loved one during COVID-19 pandemic,” emosyonal na pahayag ng Kapuso singer-actress.

 

Dagdag pa ng “Encantadia” star, ang single niya ay may hatid na mensahe tungkol sa pag-asa at pagiging positibo sa kabila ng mga pagsubok.

 

“I really like how the tone sends a positive feeling. Parang good vibes siya. I wanted to inspire people na gamitin ‘yung time na mayroon tayo ngayon.

“Gawin na lahat ngayon ng hindi nila nagawa before. See the brighter side of things with everything that’s going on kahit ang lungkot ng news, kahit ang lungkot ng mga nangyayari sa atin, it’s up to us to make good news for ourselves,” lahad pa ng aktres.

 

* * *

Sa online show ng “Descendants of the Sun PH”, ang “DOTS How You Do It,” nagpakitang-gilas ang aktres na si Chariz Solomon sa kusina at ibinahagi sa viewers ang kanyang chicken salad wrap recipe.

 

Certified foodie talaga si Chariz at mahilig siyang mag-try ng iba’t ibang klase ng pagkain at mag-experiment sa kitchen.

 

Itinuro rin niya kung paano gawin ang homemade ranch dressing gamit ang mga ingredients na madaling hanapin sa grocery stores para raw hindi mahirapan ang mga gustong sumubok nito.

 

May mga dagdag pang techniques at tips na ipinakita si Chariz sa pagbabalot ng pita bread na natutunan niya sa isang food business seminar.

 

Co-owner kasi ang aktres ng pocket wrap business na Tikka Tikka kasama ang kapatid na lalaki. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit skilled siya sa pagluluto.

 

Bukod sa pagma-manage ng business niyang #FusionByCharizSolomon, abala rin si Chariz sa paghahatid ng saya sa kanyang fans sa “Bubble Gang” at YouTube channel na YouLOL ng GMA Network.

Read more...