DANIEL mas pinalakpakan sa concert ni OGIE, JULIE ANNE nagmukhang kawawa

NAAWA kami kay Julie Anne San Jose. Masyado kasing nega ang review sa kanya sa katatapos na concert ni Ogie Alcasid.
Although she gave her best in a birit number, lukewarm daw ang reception sa kanyang performance.

Parang hindi raw siya kilala ng audience kaya matamlay ang response sa kanyang pagkanta. Ang nakakaloka, nang lumabas na raw si Daniel Padilla sa stage ay katakot-takot na sigawan at hiyawan ang nangyari.

Nakabibingi nga raw ang sigaw ng mga tao. Ayun, na-compare tuloy ang kasikatan ng Kapamilya star na si Daniel sa Kapuso star na si Julie Anne.

But performance-wise ay wala raw binatbat itong si Daniel kay Julie Anne. Siyempre, singer naman talaga si Julie Anne. Kaya lang, wala pa ring dating ang Kapuso singer. Hindi siya nagmarka.

So sad. Number one raw ang Kapuso network. Ewan kung saan nila nakuha ‘yon. Kung number one sila, sino ba ang sikat sa kanila na puwede nilang ipangtapat kay Daniel, wala naman, ‘di ba?

Speaking of Daniel, may nabasa ako na sobrang higpit talaga ng pagbabantay sa kanya ng ABS kapag meron siyang mall show dahil grabe talaga ang kanyang fans kapag nakita siya up close and personal.

Natanong ang binata kung naiinis ba siya kapag may mga girls na bigla na lang hahalik at yayakap sa kanya, sabay kurot pa, Daniel said, hindi raw, pero bawal talaga ‘yung ganu’n bilang patakaran ng Dos.

He even told the press na ganu’n din daw ang gagawin niya kapag nakita niya nang harapan ang former lead guitarist ng international rock band na Guns N’ Roses, “Kung ako iyan, kung si Slash yung kaharap ko, yayakapin ko talaga yun.”

( Photo credit to Google )

Read more...