SUNSHINE nabuking ang relasyon ni CESAR at KRISTA MILLER dahil sa ‘PAKIALAMERANG’ anak


TAWA kami nang tawa nang ikuwento sa amin ni Sunshine Cruz ang pagiging techi (high tech) ng tatlong anak dahil halos lahat daw ng gadgets na pag-aari nila ni Cesar Montano ay alam nilang kalikutin at pati passwords ay nabuking din ng mga bagets.

Kasama ni Sunshine ang tatlong anak nila ni Cesar noong Linggo sa Luxent Hotel kung saan ginanap ang formal contract signing ng aktres bilang Blooming G endorser at paalis na ang mag-iina nang biglang lumapit ang bunsong anak at sinabing, “Mommy, mommy I guess your password (cellphone), look, oh! I can now open,” na ikinatawa ng magandang mommy.

“You do? It’s okay, I don’t have nothing to hide naman,” nakangiting say ni Sunshine at sabay sabi sa amin, “Naku, dahil diyan sa pagiging high tech nila, diyan nila nabuking ang daddy nila na may babae,” kaswal na sabi ng aktres.

“‘Yang bunso ko, sabi niya, ‘Mommy, please tell daddy to stay away from his girlfriend.’ Nagulat ako, kaya tinanong ko kung ano ‘yung pinagsasabi kasi as in wala akong alam talaga.

“Sabi ng anak ko, ‘Yes, he has a girlfriend, she keeps sending daddy her pictures wearing two-piece.’ Siyempre, tiningnan ko, at ‘yun nga, nakita ko, puro naka-two-piece pa, naloka talaga ako!” natawang kuwento ni Sunshine.

( Photo credit to Google )

Read more...