TO the rescue si Alessandra de Rossi sa ate niyang si Assunta na pinatutsadahan ng isang netizen tungkol sa swab test.
Ibinalita kasi ni Assunta sa madlang pipol na lahat ng staff at empleyado niya at ng asawang si dating Negros Occidental congressman Jules Ledesma at sumasailalim COVID-19 swab test every three weeks.
Ani Assunta sa kanyang tweet, naniniwala siya na ito ang pinakamabisang paraan para masigurong ligtas sa coronavirus disease ang lahat ng kasama nila sa bahay at iba pang staff ng asawa niya.
“We get swab-tested every 3 weeks. ALL, including the drivers, the helpers, the secretaries/PAs. We do not take chances. And that… is ‘pagbutihin.’ Tenx!” ani Assunta sa kanyang Twitter post.
Sinang-ayunan naman ito ni Alessandra at pinatamaan pa ang mga taong nasa pwesto na siyang naatasang mag-alaga sa kalusugan ng sambayanang Filipino.
Ani Alex, “Hospitals! Pls pass till makarating sa kinauukulan. Chot.”
May ilang netizens naman ang nagsabi na kayang-kayang magpa-swab test nina Assunta dahil sa mayaman ito at maraming resources.
Comment pa ng isang netizen, “Your sister is very rich. What can I say?!”
Hindi ito pinalampas ni Alessandra at nag-dialogue ng, “Walang kinalaman ang rich dito. For the medical frontliners man lang sana. Sa hospitals.
“Eh ang dinig ko nasa ‘yo na lahat ng symptoms, di ka pa tine test. Hospitals are very rich. Say more.
“Dapat may batas/budget na para din sa kanila. Para fair. Mandatory ba? Or kanya kanya nalang ba ito? Yun lang naman. Don’t rich, rich. It’s malasakit. You get what you give,” chika ng aktres.
May um-agree naman sa hirit ni Alessandra, “As a front liner, every man for himself samin. Parang ngang kasalanan pa namin kung magkaroon kami nang COVID.
“It’s sad, lalo na for health workers under private companies. Kanya kanya kami nang bayad sa swab testing. Tapos, pag nag quarantine ka, no work no pay pa.”
Sagot sa kanya ni Alex, “Yun na nga eh. Tapos kasalan pa ng rich. Basa basa ka kaya. I’m with the doctors here. Malasakit. Sana may ganun sa sitwasyon nila. Sana may magsabi. Ako na ba ‘to?”
Dagdag pa ng dalaga, “I’m just talking about companies/employers who are really loaded. I get it, hindi lahat kaya. Eh, nakakabili kami ng kung anu-ano, swab test biglang naging problema? Doesn’t make sense, right?”
Ang mga naging pahayag ni Alex ay tamang-tama sa reklamo ngayon ng mga health workers na pagod na pagod na raw sa paglaban sa COVID-19 ngunit parang wala silang nakikitang direksyon sa plano ng gobyerno para makontrol ang killer virus.
Kasabay nito, hiniling nila sa mga kinauukulan na ibalik muna ang Metro Manila at mga kalapit probinsya nito sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa pagdami ng pasyente sa mga ospital nitong mga nakaraang linggo.