Kim sa muling pagpunta sa mall? It’s weird…when will this nightmare be over?

 

“KAILAN matatapos ang bangungot na ito?”

Yan ang may halong takot at pangamba na tanong ni Kim Chiu matapos makapunta sa isang mall kamakailan.

Makalipas nga ang mahigit apat na buwang lockdown, muling nakapasok sa isang shopping mall ang Kapamilya actress nitong nakaraang araw.

Aniya, napaka-weird ng feeling habang naglalakad siya sa mall. Ipinost ng dalaga sa Instagram ang isang litrato na kuha sa nasabing establisimyento.

Nagtungo si Kim doon para sa appointment niya sa clinic ni Dra. Vicki Belo at wala pa raw 30 minutes ang itinagal niya roon.

“Days ago went to the mall for the first time after months, and it was the fastest malling I’ve ever done less than 30mins.

“Things around us are never the same. It is weird,” caption ni Kim sa kanyang Instagram photo.

Aniya pa, “When will this nightmare be over??? Are things going to be the same when this pandemic is done??

“When? How? So many questions in my mind and none of them have any answer,” sabi pa ng girlfriend ni Xian Lim.

Read more...