outbrain

Winwyn sumabak sa military training kahit may COVID crisis; Bianca may ‘pa-zoomustahan’

By Ervin Santiago August 02,2020
share this

Winwyn sumabak sa military training kahit may COVID crisis; Bianca may ‘pa-zoomustahan’

By Ervin Santiago August 02,2020 - 01:27 PM

 

EXCITED na ibinandera ng beauty queen-actress na si Winwyn Marquez ang nagsimula na ang training niya sa Philippine Navy.

Kahapon, isa nga si Winwyn sa mga civilian citizen na nakasama sa formal training bilang military reservist ng Philippine Navy.

Ibinahagi ng Kapuso TV host-actress sa kanyang Instagram account ang ilang litrato na kuha sa first day ng training kung saan masaya rin niyang ibinalita na siya ang napiling presidente ng kanilang batch.

“BCMC Class 01 2020 – Class President, Marquez. Hooyah!! #PhNavyReserveForce. Congrats sa lahat! Class 01 let’s do this!

“A strict protocol was followed and everyone was required to do a rapid test before anything else,” ang caption ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno sa kanyang IG post.

Kung matatandaan, unang ibinalita ni Winwyn sa publiko noong Feb. 18 na nag-enrol din siya sa Basic Citizens Military Training ng Armed Forces of the Philippines kung saan mainit siyang winelkam ng mga AFP officers kabilang na ang Navy reservist officer at kapwa Kapuso na si Rocco Nacino.

Aniya, “People are asking me why I want to do this… I simply said because I want to… that’s it.

“No need for long explanations. We don’t need to justify what we want to do, we can just show them what a woman can do.

“So thrilled to be joining the Basic Citizens Military Training Batch 2020.”

* * *

Nagkaroon ng “zoomustahan” session ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa kanyang loyal fans at supporters.

Ang virtual bonding ay naganap sa pamamagitan ng isang video conference call via Zoom.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang photos kasama ang mga taong nagbibigay sa kanya ng inspirasyon.

Aniya, “Swipe left! Zoomustahan! Last night, with people I have so much love for. Kahit kailan, hindi kayo nawawala sa tabi ko. Isa kayo sa mga inspirasyon ko.

“Isa kayo sa mga dahilan ng kasiyahan ko. Isa kayo sa mga nagpapalakas sa akin. Please know that I appreciate each and every one of you. MARAMING SALAMAT at MAHAL NA MAHAL KO KAYO! @biancaddiction @biancaeliteofc.”

 

Napapanood si Bianca gabi-gabi sa rerun ng “Kambal, Karibal” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending