outbrain

Xander Ford kinuyog ng LGBTQ members: Ang bilis magpalit ng pagkatao, mamaya paniki na yan!

By Ervin Santiago August 02,2020
share this

Xander Ford kinuyog ng LGBTQ members: Ang bilis magpalit ng pagkatao, mamaya paniki na yan!

By Ervin Santiago August 02,2020 - 09:39 AM

 

 

BUGBOG-SARADO sa mga netizens ang internet sensation na si Xander Ford matapos kumalat ang bago na naman niyang paandar sa social media.

Nagpupuyos sa galit ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa retokadong vlogger dahil sa pagkukunwari umano nitong isang bisexual sa harap ng madlang pipol.

Inakusahan nila si Xander o Marlou Arizala sa tunay na buhay ng panloloko sa publiko para sa pansarili niyang kapakanan gamit ang kanyang kasarian.

Ito’y matapos ngang kumalat sa socmed ang Facebook post niya na nagsasabing, “Hindi na po ako part ng LGBTQ linawin ko lang” at “Goodbye Xandra, Welcome Xander Ford!!!”

Maraming nagsabi na simula pa lang ay buking na nila ang ginagawang “modus” ni Xander dahil hindi nga sila naniniwala na bisexual ang binata.

Mismong ang mga miyembro ng LGBT community ay nagkomento na gumigimik lang ang binata para malihis ang issue ng pagsasampa ng mga kaso laban sa kanya ng dating girlfriend.

 

“We know. Ginamit mo lang ang pagiging ‘bi’ for publicity. Marlou is an awful human being before and after his surgery,” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng grupong Equality PH sa kanilang Facebook account.

 

“Ang bilis magpalit ng pagkatao, magugulat ka nalang mamaya paniki na to.”

“Alam mo wala kaming pakialam kung nagparetoke ka kasi mukha mo yun. Pero, pangit ka na nga. Sobrang pangit pa ng ugali mo.  Pwe!”

“Sa daming injection niyan, at surgery sa mukha pati utak niyan hindi na maayos. Baka na over na sa iniinom, kasi alam ko pag bagong surgery may maintenance yan.”

Yan ang ilan sa mga comments ng netizens sa FB post ng Equality PH.

 

May mga netizens naman ang naaawa kay Xander Ford at nagsabing misunderstood lang ang vlogger. At sa halip daw na husgahan ito ay intindihin na lang siya at huwag munang husgahan na parang kriminal.

Kamakailan lang nang lumantad si Xander at aminin ang  tunay niyang sexual preference kasabay ng pagpapakilala sa kanyang boyfriend sa pamamagitan ng isang vlog.

“Straight po talaga ako. Talagang hindi po ako naa-attract sa lalaki.  Nito lang, parang ngayon ko lang na-realize na eto, may naramdaman akong ganito, parang na-develop ako sa kapwa ko lalaki.

“Kung sinasabi nila sa akin kung paano ako naging bisexual, kasi po ang bisexual ay nagkakagusto sa babae at nagkakagusto sa lalaki,” ang pahayag ni Xander.

Ayon naman sa boyfriend ni Xander, “Hindi ko po siya ginagamit kasi alam naman po niya ang ugali ko. Nagsabi na rin po ako sa kanya.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending