BITOY maayos na ang kundisyon, pero bawal pang magtrabaho


MAAYOS na ang kundisyon ni Michael V ngayon. Ito’y matapos ngang sumailalim ang TV host-comedian sa masusing pagbabantay ng kanyang doktor sa St. Luke’s Hospital dahil sa sakit na dengue.

Habang sinsulat namin ang balitang ito, nakatakda nang lumabas ng ospital si Bitoy. Sa kanyang Instagram account, nu’ng Linggo nag-post uli ng larawan si Michael V kasabay ng pagpapasalamat niya sa lahat ng sumuporta at nagdasal para sa kanya, lalo na sa mga nag-donate ng dugo.

“We’re slowly but steadily seeing progress in my condition. I DO NOT require transfusion anymore at this point so I’d like to thank all those who helped out. If all goes well, I may be able to go home tomorrow and continue bed rest for a week.

“I thank the good Lord for listening to our prayers. God is good,” aniya pa. Hindi pa maaaring bumalik sa trabaho ang TV host-comedian, pinagbilinan siya ng doktor na ilang araw pang magpahinga para maka-recover sa energy na nawala sa kanya.

( Photo credit to Google )

Read more...