Piolo 27 years na sa showbiz: Walang walang fast-forward sa success, lahat pinaghihirapan

 

 

LAHAT ng pinangarap sa buhay ay natupad na ni Piolo Pascual, at yan ay dahil sa lahat ng blessings na ibinigay sa kanya mula nang pasukin niya ang showbiz.

Ngunit ipinagdiinan ng Kapamilya actor-producer, hindi rin naging madali sa kanya ang pag-abot sa estadong kinalalagyan niya ngayon.

 

“Walang overnight, walang fast-forward o mabilisang journey sa success. I believe na lahat ay pinaghihirapan, pinagpapaguran, pinagtatrabahuan.

 

“I must have gone to more than 100 auditions growing up, sa mga go-sees, just to get a shot and do commercials. I did a lot of auditions too until I got a chance.

“I never let go of the chance na ibingay sa akin kasi I think ‘yun naman talaga ang gusto ko sa buhay. So, I really persevered,” ang pahayag ni Papa P sa online show na “We Rise Together.”

Naniniwala ang aktor na walang madali o short cut na daan sa pagkamit ng tagumpay, “I don’t think there’s an easy way to success kasi lahat may ups and down. Maraming problemang dadaanan but what’s important is matatag ka at nakatutok ka sa pangarap mo.”

 

Sa tanong kung ano ang maituturing niyang greatest achievement ngayong magse-celebrate na siya ng 28th anniversary sa showbiz, “‘Yung masaya ako sa buhay, ‘yung umabot ako sa ganito.

 

“What is important, I guess, is inner peace, ‘yung happiness mo sa nangyayari sa sarili mo and you let that emanate through your actions.
“Siguro masasabi ko because of what happened in my 20 years in showbiz naiba ‘yung trajectory ng buhay ko.

 

“All the things that I’ve wished for and prayed for ay nangyari and that in itself is a humbling experience, a humbling moment for me.

 

“So, sobrang regalo na sa akin yung nandito pa rin ako. I really enjoy my life and this is enough victory for me to still be around,” lahad pa ni PJ.

 

Ito naman ang payo niya sa madlang pipol lalo na ngayong dumadaan sa matinding krisis ang bansa dulot ng COVID-19, “Never stop dreaming, never stop working for your goals, for you dreams. Kasi one day you will wake up nasa iyo na ‘yon, enjoy.

 

“Nakakatuwa because your energy should be used for something and that has to be something positive.

 

“So, maganda rin ang balik sa iyo noon, kasi kapag positive ang outloook mo sa buhay no matter what people say, you will always be happy. So, nanggagaling sa puso ‘yon,” chika pa ng aktor.

 

Read more...