Higit sa 663,000 na ang global death toll sa CoVid-19

Sumampa na sa mahigit 663,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 663,476 na.

Nakapagtala ng halos 7,000 pang dagdag na nasawi sa magdamag.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 152,320.

Sumampa naman na sa mahigit 88,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 88,634
UK – 45,878
Mexico – 44,876
Italy – 35,123
India – 34,224
France – 30,223
Spain – 28,436
Peru – 18,612
Iran – 16,147

Sumampa naman na sa mahigit 10.4 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 5.7 million pa ang aktibong kaso.

Read more...