Sino sa 5 lady director ang sumugod sa principal’s office para isumbong ang teacher?

 

KARUGTONG ito ng bukingan portion sa live Q&A nina Direk Cathy Garcia Molina, Sigrid Andrea Bernardo, Mae Cruz-Alviar, Irene Emma Villamor at Antoinette Jadaone sa YouTube channel na Nickl Entertainment.

Tinanong ni direk Cathy kung nasubukan na ng mga guest niyang direktora na “ma-principal’s office” noong mga estudyante pa sila. Kasi siya raw ay hindi, “Mabait ako (charot)!”

Dahil sa ghost hunting kaya napatawag sa principal’s office si direk Tonette, “Na-principal’s office ako nu’ng grade 3 or 4 kasi nag-ghost hunting kami, e, ako leader.  Mga kalahati ng klase ang kasama ko sa retreat house, tapos hayun sinumbong kami, ako itinurong leader at yung isang kasama ko.”

“Nu’ng bata hindi, pero nu’ng college may pinanood kaming film, nakakaantok. Nu’ng nag-check na ng attendance ‘yung teacher nandoon pa ako, after niya umalis, nagyaya na rin akong umalis ng mga kasama ko, mga lima kami kasi nakakaantok talaga.

“After ng movie, bumalik pala ‘yung prof at nagpa-check attendance pala ulit wala na kami. Kaya ako, inulit ko ‘yung “Battleship” movie na yun sa office ng prof,” say ni direk Irene.

Mukhang hindi naman alam ng magulang ni direk Mae na napatawag siya ng principal nila kaya sorry siya nang sorry.

“Naku, malalaman ng nanay ko ngayon kung nanonood siya, ‘Ma, sorry, sorry. Kasi nu’ng high school, nag-cut ako ng class para manood ng basketball game sa La Salle, e, meron kaming gagawin sa gym for the opening of Intrams so habang inaayos lahat ‘yun, umalis ako para pumunta ng La Salle.

“Hindi ko alam dala ko pala ‘yung susi kung nasaan lahat ng decors. Kaya galit na galit ‘yung teachers kung nasaan daw ako tapos hindi nila alam kung sino ako at gusto ako i-suspend.

“Tapos pinatawag na ako, sabi isu-suspend daw ako, e, may lalaking nanliligaw sa akin, nagprisinta na siya na lang daw ang i-suspend. Sabi ng teacher, ‘kinilig naman ako kaya hindi na kita isu-suspend.’”

Bata palang ay very vocal na talaga si direk Sigrid kung ano ang saloobin niya at wala siyang takot na hinarap ang principal.

“Ako ang nagpunta sa principal’s office, sinumbong ko kasi ‘yung teacher namin hindi siya magaling! Kapag papasok na siya sa classroom namin, mga classmates ko nagkukuwentuhan, kumakain, nagme-make up, naglalandian.

“Hindi siya talaga pinapakinggan kasi wala siyang talent sa teaching so nainis ako, walkout ako pumunta ako sa principal’s office at sabi ko ‘you have to fire our teacher.’ Galit na galit ako. Hindi siya pinakikinggan kasi sarili niya kinakausap niya!

“Sabi sa akin ng principal, ‘calm down, calm down’ kasi talagang galit ako.

“Pinababalik ako sa klase sabi ko ayaw ko, kasi hindi ko maintindihan paano ako matututo? Tapos sabi sa akin pag hindi ako bumalik sa klase maglilinis ako sa buong building ng school, so bumaba ako at nakita ako ng mga estudyante from 4th floor hanggang baba nakikita ako naglilinis.

“I think kinausap siya kasi the next day may dala na siyang Manila paper (visual aids), tapos nag Q and A na siya sa klase. Kung hindi pa ako nagprotesta di ba?” sabi ni Direk Sigrid.

Terror na pala talaga kahit noong bata pa si direk na dala-dala pa rin niya  hanggang sa paggawa ng pelikula kaya naloloka sa kanya ang mga artista niya.

Read more...