Jennylyn sa gobyerno: Hindi na kailangan bigyang puri ang nagawa, ‘yun talaga ang trabaho nila

 

SIGURADONG kaliwa’t kanang pambabatikos na naman ang matatanggap ni Jennylyn Mercado mula sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Muling nagpakawala ng matapang na mensahe ang Kapuso actress patungkol sa ikalimang State of the Nation Address ng Pangulo na ginanap kahapon.

Ipinagdiinan ni Jennylyn na hindi kailangang purihin nang bonggang-bongga ang mga ginagawa ng gobyerno para sa sambayanang Filipino, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Unang-una, obligasyon ng mga taong nasa posisyon o ng mga public officials ang pangalagaan at tugunan ang pangangailangan ng publiko dahil ito naman talaga ang trabaho nila sa gobyerno.

Tweet ni Jen, “The role of the government is to promote the welfare of this country sa kahit ano mang sitwasyon.

“That is why any progress or positive action na nagawa nila ay hindi na kailangan bigyang puri dahil ‘yun naman talaga ang trabaho nila,” pahayag pa ng girlfriend ni Dennis Trillo.

Hirit pa ng Kapuso Ultimate Star, ang dapat pasalamatan at bigyang parangal ng pamahalaan ay ang lahat ng frontliners na nagbubuwis ng buhay sa paglaban sa COVID-19.

“Ang mga tao na dapat bigyang pugay ay ang ating mga makabagong bayani.

“Maraming salamat sa ating mga doctors, nurses, teachers, mga sundalo, at ang iba pang mga frontliners na patuloy ang serbisyo sa ating mga Pilipino.

“Saludo po kami sa inyo. Maraming maraming salamat,” pahayag pa ni Jennylyn.

Sa isa pang Twitter post, tinanong naman niya ang tungkol sa kongkretong plano ng gobyerno matapos hikayatin ni Pangulong Duterte ang lahat ng Filipino na tumulong at makipag-cooperate sa paglaban sa COVID-19

“Sige po. Pero ano po ang plano?” tila pang-aasar ng aktres sa Pangulo.

Kamakailan, ibinahagi ni Jen sa publiko ang mga natutunan niya sa mga nangyayari ngayon sa bansa, lalo na ang tungkol sa mga usapin ng lipunan.

“Isa sa mga realizations ko recently ay it’s never too late na ieducate ang sarili sa mga nangyayari sa bansa. Responsibilidad mo yun bilang Pilipino.

“To speak about it is doing the bare minimum. Let’s start a conversation. Marami pa akong gustong matutunan,” tweet pa ni Jennylyn.

Read more...