Lumala ang COVID-19 crisis dahil sa krisis sa pamamahala ng kasalukuyang administrasyon.
Ito ang reaksyon ni Sen. Risa Hontiveros sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte at aniya sa halip na maglatag ng komprehensibong plano para tugunan ang kasalukuyang krisis, sinimulan ng Punong Ehekutibo sa batikos at banat sa kanyang mga kritiko at sa media.
“The President’s SONA was not a SONA. It was not the state of the nation, it was not even an address. Hindi iyon ang totoong estado ng bansa,” diin ni Hontiveros.
Dagdag pa niya, sa banat ng Pangulo sa oligarkiya, maaaring hindi nito namamalayan na pinalilibutan din siya ng oligarkiya na may mga pansariling interes.
Puna pa nito, may mga bahagi ng SONA na malabo at walang naiprisintang malinaw na plano para sa kalusugan at ekonomiya.
“Issues of unemployment and hunger were not directly addressed. Walang trabaho at gutom ang mga Pilipino, pero ang mga inunang isyu — death penalty, drug war, at kung anu-ano pa,” sabi ng senador at dugtong pa nito, “maliwanag na na-mishandle ng gobyerno ang pag-responde sa pandemya. The government wasted the past four months of lockdowns and community quarantines.”