Maine kumasa sa B&W photo challenge: We are all fighters & survivors in our own battles 

USUNG-USO na naman ngayon ang “Black and White Photo Challenge” sa social media.

Pati ang mga kilalang celebrities ay kumasa na rin sa challenge na ito kung saan kailangang mag-post ang isang netizen ng black and white na litrato niya sa kanyang socmed account.

Nauso na rin ito ilang taon na ang nakararaan at muling ni-revive bilang simbolo ng inspirasyon at pag-asa sa gitna ng patuloy na paglaban ng mundo sa COVID-19 pandemic.

Isa nga sa kumasa sa nasabing challenge ay ang Phenomenal Star  at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.

Ngunit hindi tulad ng ilang celebrities na nag-post na rin ng kanilang black and white photo, mas minabuti ni Maine na lagyan na rin ito ng inspiring message.

Mensahe ng Eat Bulaga Dabarkads, “Challenge accepted.

“Because we are not always ‘beautiful, strong and incredible’. Here’s my entry to acknowledge the downs and not just the ups.

“Cheers to the strong; to the brave; and to the broken ones out there.

“We are all fighters and survivors in our own battles.

“Whatever life throws at us, let’s keep going. Keep swimming…just keep swimming,” pahayag pa ni Maine.

Read more...