Kilalang aktor isinusuka ng mga kapwa artista: Ayusin niya muna ang akting niya! 

MUKHANG hindi na makakatuntong ang isang kilalang aktor sa ABS-CBN sakaling makabalik na ito sa operasyon.

Ipinamukha kasi nitong wala siyang pakialam sa network dahil hindi man lang ito nagpakita ng kahit anong suporta mula nang ipasara ang istasyon.

Sumama ang loob ng mga nakatrabaho ng aktor sa pahayag nito na hindi niya ito laban kaya’t mas minabuti niyang huwag na lang makialam sa issue.

Hindi rin ito nag-post ng kahit anong mensahe sa kanyang social media account nang magdesisyon ang kongreso na huwag nang bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Napa-huh talaga ang mga nakatrabaho ng aktor sa kanyang tinuran. Sana raw ay hindi na lang siya nagsalita para isipin nilang “silent supporter” pa rin siya ng Kapamilya network.

Pero nu’ng ipinangalandakan pang hindi niya laban ang paghingi ng hustisya para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN ay iisa ang reaksyon ng ilang kapwa niya Kapamilya stars, “Sobrang walang utang na loob.”

Ayon naman sa ilang nakakakilala sa aktor, hindi raw talaga ito nag-iisip bago magpakawala ng mga salita lalo pa’t hindi isang national issue ang kanyang sinasagot.

Siguradong may balik daw sa career niya ang insensitibong pahayag na pinakawalan niya laban sa network na pinagkakitaan din niya.

“Bumalik na lang siya kung saan siya nanggaling baka mas kailangan siya roon,” hirit naman ng isa pang nakasama ng aktor sa isang proyekto nila sa ABS-CBN.

Dagdag pa nito, “Sana rin ayusin niya ang pag-arte niya para may marating siya!”

‘Yun na!

Read more...