Maja handa bang layasan ang showbiz kapag ikinasal at nagkaanak na? 

HANDANG isakripisyo ni Maja Salvador ang kanyang showbiz career alang-alang sa magiging pamilya niya in the future.

Ito ang inihayag ng aktres nang matanong kung ready ba siyang iwan ang showbiz kapag nagkaroon na siya ng asawa at mga anak.

Palaging sinasabi ni Maja na pareho nilang ipinagdarasal ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nunez na sana’y sila na nga ang magkasama habangbuhay.

Nabigyan ng second chance ang dalawa matapos magkahiwalay ilang taon na ang nakararaan. Unang naging boyfriend ni Maja si Rambo noong 21 years old siya.

Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Maja sa nakaraang episode ng “I Feel U,” sinabi ng aktres na naghiwalay sila ni Rambo dahil na rin sa kanyang pagiging artista.

“Nu’ng una namin ni Rambo, 21 years old ako noon, siyempre bata pa naman, kailangan mong i-sacrifice. May ganu’n ng konti,” kuwento ng dalaga.

Ani Maja, mukhang tama naman ang naging desisyon niya na bigyan ng second chance ang kanilang love story.

“Kasi siguro hindi enough ‘yung ilang months lang kami noon. Naudlot talaga. Tapos iba din ‘yung love ng family niya na ibinibigay sa akin.

“Ilang beses kaming may random na pagkikita, may certain feeling na ‘yung naramdaman mo dati, parang meron pa rin,” aniya pa.

Sa tanong kung handa na ba siyang pakasalan si Rambo, “Ano lang iyan, kung ibibigay ni God na ngayon, ‘yun.”

Sa isang bahagi ng panayam, natanong nga si Maja kung posible ba niyang iwan ang career kapalit ng pagpapakasal. Aniya, malamang daw pwede niyang iwan pansamantala ang pag-arte kapag nagkaanak na siya.

“Siguro kapag nagkaroon ako ng anak. But hindi naman totally na wala. Feeling ko hindi ako mawawala sa industry pero magbibigay ako ng time naman para i-enjoy ‘yung pamilya ko,” lahad ng aktres.

Read more...