Ex-GMA reporter nawalan ng trabaho bilang piloto dahil sa COVID: In a matter of 10 months, I lost it

 

TULUYAN na ring nawalan ng trabaho bilang piloto ang dating GMA 7 reporter na si Steve Dailisan.

Ito’y dahil pa rin sa epekto ng COVID-19 pandemic na patuloy pa rin ang pagkalat sa buong mundo. Isa nga si Steve sa mga natanggal bilang piloto ng isang airline company.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng mahabang mensahe ang piloto tungkol sa kinahinatnan ng kanyang journey sa bagong propesyon at kung paano niya ito hinaharap.

“In January of this year, I was released as First Officer after some grueling months of training. Only to realize it would be the shortest stint in my entire professional career.

 

“In a matter of 10 months, I lost it. COVID19 stole the very heart or my dream-flying,” bahagi ng caption ni Steve sa litrato suot ang kanyang uniform sa pinapasukang airline company.

 

“It’s a shortlived moment but I will always treasure the opportunity given by Cebu Pacific. I will be forever grateful to everyJUAN I’ve flown with. Ultimately, its a humbling experience.

 

“It’s a difficult time to be a source of inspiration but believe there will always be a BRIGHT NEW DAY. This is just a step back, not a setback,” lahad pa ng binata.

 

Pero nananatiling positibo si Steve sa gitna ng mga pagsubok na ito, “This definitely will not be the end, rather the beginning of bigger dreams. I am certain, we will continue our quest to reaching the skies to be with our stars! For now, I only have to say, FLY WITH YOU SOON.”

 

Read more...