Deputy Speaker Johnny Pimentel positibo sa COVID-19

Kinumpirma ni House Deputy Speaker Johnny Pimentel na nag-positibo siya sa COVID-19.

Ayon kay Pimentel, ito ang resulta ng swab test na isinagawa kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Nalaman anya nito ang resulta, alas onse y medya kagabi matapos itawag sa kanya ng doctor ng Kamara.

Sabi ni Pimentel asymptomatic naman siya pero nag isolate na siya sa loob ng kanyang bahay.

Read more...