Kaso ng COVID-19 sa mundo higit 16.4 million na

Umakyat na sa mahigit 16.4 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 16,412,794 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 200,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na sa 4,371,839.

Ang Mexico ay sumampa na sa pang-anim sa mga bansang may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ng Chile.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 2,419,901
India – 1,436,019
Russia – 812,485
South Africa – 445,433
Mexico – 390,516
Peru – 379,884
Chile – 345,790
Spain – 319,501
UK – 299,426

Ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 4,371,839.

Read more...