Singer-vlogger Donnalyn pumayag maging yaya ng python; nanay nagsisigaw sa takot | Bandera

Singer-vlogger Donnalyn pumayag maging yaya ng python; nanay nagsisigaw sa takot

Ervin Santiago - July 27, 2020 - 10:34 AM

 

 

KUMASA sa “python challenge” ang actress-singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Inamin ng sikat ding YouTuber na grabe ang takot niya sa mga ahas kaya isang matinding hamon para sa kanya ang maging yaya ng isang Burmese python sa loob ng isang araw.

Mapapanood ito sa “Dare Donna” segment sa kanyang YouTube channel na talaga namang bentang-benta sa kanyang fans and subscribers.

Sa nasabing vlog na may titulong “BABYSITTING MY FRIEND’S SNAKE FOR A DAY!!! (Not For The Weak Heart)”, makikita kung paano niya dinala sa kanilang bahay ang napakahabang yellow and white female Burmese python na may pangalang B.

Caption ng singer-vlogger sa kanyang vlog, “I took care of a PYTHON for a day! One of the scariest thing I’ve done! But one of the most memorable time too!!”

Aliw na aliw ang mga netizens sa pinaggagawa ni Donnalyn sa nasabing ahas, kabilang na ang paglalaro nila ng board game na Snakes and Ladders.

 

Dito makikita ang python na literal na gumagapang sa sahig ng sala nina Donnalyn patungo sa inihanda nilang hagdan.

 

Bukod dito, pinaliguan din ng Viva artist ang ahas sa mismong bathtub niya at nakipag-bonding pa sa loob ng kanyang kwarto with matching bedtime story habang pinakakain niya ito.

 

At ang nakakaloka pang eksena ay nang ipakilala na ni Donnalyn sa kanyang nanay si B sa pamamagitan ng video call.

 

“Mommy may ipapakilala ako sa yo, may bago ka na namang apo,” sey ni Donna sa kanyang nanay.

 

Sagot naman sa kanya nito, “Ano naman yan Donna? Pusa na naman yan, no?” Na sinagot uli ng dalaga ng, “She’s so cute!”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At nang ipakita na niya sa ina ang ahas, bigla itong napatayo at nagsisigaw sa takot. Tawa naman nang tawa si Donna sa naging reaksyon ng kanyang mommy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending