Jinkee walang paki sa bashers; ibinandera ang mala-hotel na private beach resort
NAPANGANGA at napa-wow talaga ang mga fans at social media followers ni Jinkee Pacquiao nang bumandera ang private resort nila ni Sen. Manny Pacquiao.
Sa kabila ng banta ng mga mapanuri at mapanghusgang netizens ay hindi pa rin nagpaawat ang misis ni Pacman sa pagpapakita ng kanilang mga bonggang ari-arian.
Matapos ma-bash dahil sa pagpo-post ng kanyang mga mamahaling gamit sa social media ay muling ibinandera ni Jinkee sa madlang pipol ang napakagandang private beach resort sa Sarangani Province.
May pa-tour pa ang misis ni Manny sa kanilang beach house na mapapanood sa kanyang latest YouTube vlog na talagang ikinamangha ng kanyang followers at sabay-sabay pang nag-dialogue ng “Sana all!”
“Ngayon nandito tayo sa aming private resort. Ipapakita ko naman sa inyo ang first private resort namin ng buong family.
“Sa lahat ng nagtatanong ito na ‘yun. I am not bragging for anything na meron kaming ganito, request n’yo naman ito so i-tour ko kayo dito,” ang simulang pahayag ni Jinkee sa nasabing video.
Isa-isa niyang ipinakita ang bahagi ng resort kabilang na riyan ang mga villa at ang mga sosyaling kuwarto rito na mala-hotel ang pagkaka-design.
Inilibot din niya ang kanyang followers sa hall ng beach house pati na ang gazebo nito, ang pool area at ang dining area.
May isang bahagi rin ng pa-tour ni Jinkee kung saan ipinakita si Sen. Pacquiao kasama ang ilang kaibigan nito.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay may 460k views na ang vlog ni Jinkee.
Of course, may mga nam-bash na naman kay Jinkee pero kapansin-pansin na mas maraming humanga at napa-wow sa ganda ng kanilang private resort.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga nakapanood sa bagong vlog ni Jinkee.
“This is so inspiring! And you don’t need to say ‘I’m not bragging..’ because there are a lot of people like me na sobrang naiinspire with your videos.”
“This is so inspirational for those who dream and never stop believing like me. Thank you for sharing. Such a wonderful family.”
“You deserve it dahil pinaghirapan n’yo yan ng asawa mo. Just don’t mind those bashers dahil hindi naman sila makakatulong sa ekonomiya. Continue spreading good vibes sa mga nanay na tulad ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.