“#KILIG pa more” ang hatid ng mga Instagram posts ni Vicki Belo sa milyun-milyong fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Pagkatapos ibalita sa madlang pipol ang pagha-honeymoon ng Kapamilya couple, muling nag-share ng ilang litrato ang celebrity cosmetic surgeon na kuha sa pagbabakasyon ng mag-asawa.
Kung nabitin ang AshMatt fans sa unang honeymoon photos nina Matteo at Sarah, nag-post uli si Vicki Belo sa IG ng ilan pang litrato ng celebrity couple sa sosyal na island resort na Amanpulo sa Palawan.
Ayon sa misis ni Hayden Kho, double celebration pa ang nangyari sa Amanpulo dahil bukod sa pinakahihintay na honeymoon ng AshMatt, doon na rin ng nag-celebrate ng kanyang 32nd birthday ang Popstar Royalty.
Makikita sa mga bagong photo ni Belo sa IG si Matteo habang hinahalikan sa pisngi ang asawa. Tila nasa isang forest ang dalawa kung saan nagtanim pa sila ng puno.
“Happy birthday @justsarahgph. Thank you @matteog for kissing your wife for us.
“Now, they planted a coconut tree together that will bear fruit for years to come. May God bless you always and keep you safe,” caption ni Belo.
Bukod dito, nag-post din sa kanyang IG page ang anak nina Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow ng isa pang litrato nina Sarah at Matteo na parang nagki-kiss pero natatakpan ng halaman.
“Not for my eyes!Happy birthday, ate @justsarahgph! I love you so much! I wish we were neighbors so I could visit you everyday and be bestfriends with your future babies!” ang mensahe ni Scarlet sa mag-asawa.
Kung matatandaan, si Vicki Belo mismo ang nagbalita sa mga Popsters na natuloy na rin sa wakas ang honeymoon ng AshMatt.
Pero bago ito, nagpahula muna siya sa mga netizens kung kani-kaninong legs ang nasa kanyang IG photo, “Can you guess which lower legs BELOng to whom? Answers to be posted later tonight.”
Maraming nanghula sa mga mystery legs na nasa litrato pero puro mali kaya nagbigay na ng clue ang celebrity doctor.
“You guys are good. After I gave the delayed honeymoon clue, the majority of you guessed right @matteog @scarletsnowbelo and @justsarahgph,” ani Belo.