Pops may ‘magic treat’ sa assistant; Aicelle, Mark nagpakilig sa ‘Miss Saigon’ throwback

 

“SANA all!”

Yan ang nagkakaisang reaksyon ng mga nakapanood sa throwback Instagram video ng dating Kapuso news reporter na si Mark Zambrano.

Dito mapapanood ang pa-sorpresa niya para sa Kapuso actress at asawang si Aicelle Santos nang maging parte ito ng hit musical play na “Miss Saigon” sa United Kingdom.

Tila hindi pa rin makapaniwala si Mark na dalawang taon na mula nang lumipad siya sa UK upang sorpresahin ang asawa at ngayon nga ay madadagdagan na sila dahil buntis na si Aicelle sa kanilang panganay.

“I can’t believe it’s been two years! It was just the two of us then and in a few months, we’ll be three! Looking forward to traveling the world with you and our baby, Mahal!” caption ni Mark sa nasabing video.

Bumuhos naman ang kilig sa comment section mula sa kanilang fans na hinihiling na sana’y magkaroon din sila ng relationship gaya ng sa dalawa.

“It was only this morning when my 21-year-old daughter told me that once it’s time for her to settle down, sana ang mahanap niya ay katulad ng hubby ni Aicelle,” comment ng isang netizen.

Samantala, napapanood pa rin si Aicelle sa paboritong weekend musical comedy variety show na “All-Out Sundays” tuwing Linggo, 12:45 p.m., sa GMA 7.

* * *

Pinatunayan ni “Centerstage” judge Pops Fernandez na hindi lang sa kantahan siya may ibubuga, dahil pati na rin sa pagme-make up ay maaasahan din ang Kapuso singer.

 

Sa kanyang latest YouTube vlog ay niregaluhan ni Pops ang kanyang assistant na si Ate Yolly ng total makeover na siya mismo ang gumawa.

 

Biro niya sa kanyang personal assistant, “Ang swerte-swerte naman ni Yolly or hindi ko alam. Maswerte ba siya o magsisisi ba siya in a while?”

 

Inamin ni Pops na ang kanilang makeover ay dulot ng labis nilang pagkainip sa bahay, “Wala siyang choice kasi wala kaming magawa sa house. You always find something interesting to do at home and this is it.”

 

Nangako naman si Pops na gagalingan niya ang makeover para sa pinakamamahal na assistant, “I will try my best to make magic happen.

 

“Ang idea is kailangan maiba ‘yung look ni Yolly for today. For those of you who know Yolly, of course you know Yolly is my girl Friday.

 

“She is my left, right hand, my left and right foot. She is my everything. Kaya ngayon she will get a treat,” chika pa ni Pipay.

Read more...