GOOD news para sa mga fans and loyal supporters ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Kinumpirma ng Kapuso Drama Prince na pinaplano na ang mga susunod niyang projects sa GMA 7 at siguradong ikatutuwa ito ng kanyang mga tagasuporta.
Sa panayam ng GMA sa binata nasabi niya na very soon ay mapapanood na ito ng publiko sa ilalim ng GMA Productions.
Hindi muna nagbigay ng iba pang detalye si Alden tungkol sa nasabing proyekto pero aniya, super excited na siya rito dahil miss na miss na rin niya ang acting.
“I also can’t wait to act again. I have not been acting for the past five months and it’s not healthy for me, pero so far nami-miss ko siya,” ani Alden sa nasabing interview.
Dugtong pa ng Pambansang Bae, “What I do to keep our fire burning inside me is to watch films on Netflix, or mga movie channels, mga cable TV, para at least ma-encourage ako to get back to my craft, kasi I really miss it.”
Samantala, natupad din kamakailan ang hiling ni Alden na magkaroon ng makabuluhang proyekto na makakatulong sa pagkontrol ng COVID-19 sa bansa.
Siya ang napiling maging ambassador para sa Department of Health’s (DOH) communication campaign kontra-COVID-19, ang “BIDA Solusyon,” na tutulong sa awareness program tungkol sa preventive health measures ng gobyerno.
“I’m really honored to be part of this campaign. I’m really happy. Yun din ‘yung sinasabi ko sa team ko before, na sana magkaroon tayo ng partnership na magiging relevant ‘yung presence ng GMA artist para ma-promote ang awareness against the fight for COVID-19,” ani Alden.
Isa na rito ang paglaban sa fake news, “Isang misinformation about a certain issue that comes out and people believe it kahit hindi totoo, automatically, damay-damay na lahat ‘yan.
“Ang dali ng access sa fake news ngayon, so it’s really important for us to remember na we always have to rely on official institutions na makapag-announce ng mga bagay hinggil sa pagprotekta sa atin at ‘yung laban natin sa COVID-19,” aniya pa.