NGAYONG panahon ng pandemya, tulad ng pangkaraniwang Pinoy, todo rin ang ginagawang pagtitipid ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda.
Ayon kay Vice, napakahirap ng buhay ngayon at mukhang matatagalan pa bago tuluyang makontrol ang COVID-19 crisis kaya kailangan din niyang maging wais sa paggastos.
Inamin ng TV host-comedian na mula noong magkaroon ng lockdown at matigil ang kanilang trabaho, dedma muna sa pagbili ng kung anu-ano.
“Sa totoo lang wa talagang shopping. Walang shopping, walang online shopping, ‘Day. Kung may isa-shop man yung essentials. Pero yung splurge dati, naku walang ganu’n, ‘Day, wala,” pahayag ni Vice sa ginanap na digicon para sa launching ng kanyang Vice Ganda Network.
Dagdag pa ng komedyante, “Wala ring rampa! Ang ginagawa ko ini-enjoy ko yung bahay ko, ini-enjoy ko yung kasama ko sa bahay. Dapat i-enjoy mo kung ano yung meron ka na ngayon.
“Kasi nga hindi naman siya mahalaga, hindi sila mahalaga ngayon. Ang mahalaga ay safe ka,” aniya pa.
Bukod dito, diretsahan ding binanggit ni Vice na nag-uulit na rin siya ng OOTD ngayon sa It’s Showtime.
“Magmula nga nu’ng bumalik ang Showtime wala akong sinuot na bago, lahat Juliet (read: inuulit). Eh, dati kung mag-julit ako ng damit ang tagal, taon talaga.
“Ang dami ko talagang damit at alam mo yon, isa siya sa kasiyahan ko. Nagbibigay siya sa akin ng kasiyahan dati, na kunyari kapag nai-stress ako may nabibigay siya sa aking therapy pag nagsa-shop ako.
“Ngayon wala, ‘Day. Walang ganu’n, walang shopping-shopping. Ang dami ngang lumalabas sa telepono ko na, ‘Please check the latest chuchu,’ No! Walang check-check.
“Buti na nga lang yung make-up ko may supply ako ng Vice Cosmetics hindi na rin ako bibili,” chika pa ng dyowa ni Ion Perez.
Habang naka-quarantine noon sa sariling bahay dulot ng COVID-19 crisis, marami ring realization si Vice, lalo na ang pagbibigay halaga sa bawat araw na buhay ka.
“Napakaimportante ng buhay. Ito yung pinakaimportante sa lahat at pinakakailangan nating alagaan bago ang iba pa.
“Kasi for the longest time, we have been so focused on material things. We have been so focused on other things other than life itself.
“Pero sa pagkakataong ito, puwede mong bitawang lahat para lang pangalagaan mo yung kalusugan mo at yung buhay mo, kasi yon ang pinakamahalaga.
“Kasi kung hindi mo mase-save yung buhay mo at yung kalusugan mo sa panahong ito, eh, mawawala din lahat yan. So bago sila dumating, yung buhay mo muna talaga ang pinaka may value sa lahat,” paliwanag ng TV host.
Dugtong pa niya, “At saka isa pang na-realize ko na kahit gaano ka mag galing-galingan o kahit gaano ka kagaling, maraming bagay na hindi mo magagawan ng solusyon at ang makakagawa lang niyan ay Diyos kaya kailangang ibigay mo sa Kanya yung tiwala.
“Kasi kahit anong galgal ang gawin mo, kahit istresin mo yung sarili mo, wala kang magagawa. Dahil ang tanging makakagawa non ay Diyos. Katulad ng pandemya, hindi mo yan maso-solve, eh.
“Ang tanging magagawa mo lang ay alagaan mo yung sarili mo, huwag kang dumagdag sa stress, at maniwala kang Diyos ang makakagawa ng paraan para matapos ito,” pahayag pa ni Vice Gandaseryosong pagbabahagi ni Vice Ganda.