2 beses nakunan, magka-anak pa kaya? | Bandera

2 beses nakunan, magka-anak pa kaya?

Dr. Hildegardes Dineros - August 19, 2013 - 01:18 PM

DOC, good morning, nais ko lang pong itanong kung pwede pa ba akong mabuntis. Nakunan po ako mga 2 dalawang beses na. Isang taon na ang nakalipas hanggang ngayon ay hindi na ako mabuntis. Ako po si May Varona, 41, ng Manila, …0657
Hello, May. Hangga’t mayroon ka pang monthly period ay pwede ka pang mabuntis. Magpacheck-up ka sa OB-Gyne mo baka kailangan linisin ang loob ng matris at matingnan kung ikaw ay nag-o-ovulate pa.

Good afternoon, dok! Bakit lumalalim ang binti ko pag pinipisil ko? Ano ang gamot dito? Meron po akong UTI, arthritis at baka me diperensiya rin sa kidney po. Gamot ko ay sambong at ciprofloxacin. — Oswaldo Dujali Bunawan, Agusan Del Sur, ….0449

Hello Oswaldo, ibig sabihin nyan ay NAMAMANAS ang mga binti mo. Kadalasan ang sanhi ay sakit sa Kidney, Liver, o kulang lang sa Protina sa nutrisyon. Kailangan magpa-kuha ka rin ng BUN, Creatinine, Albumin at ESR.

Doc ask ko ano po ba ang gamot sa nangingitim ang kuku sa paa at kamay ko? Saka po ang ihi ko ang lakas ng amoy, mapanghi. – Mrs. Joy Abad, 54, Cotabato, …9968

Hello Joy. Kung nangingitim ang mga kuko, isang senyales na kulang ang daloy ng dugo sa mga daliri, pwede ring kulang sa Vitamin B12 o kaya ay impeksyon lalo na ng fungus. Maaaring epekto rin ito ng paninigarilyo, diabetes, chemotherapy at iba pa. Ang gamutan ay nakasalalay sa kung ano ang sanhi.
Mapanghi ang ihi kapag may infection, diabetic acidosis, at kapag dehydrated. Magpa-urinalysis at FBS muna.

Good evening doc. Tanong ko lang bakit nagkaroon ng myamo ang isang babae? Ano bang dapat gawin para maiwasan ang sakit na ito? Please help me. Takot ako magkasakit. – Jean, 20, Davao City, …8231

Hello Jean, “tumoral growth” ang MYOMA, nguni’t hindi ito kanser. Wala pang nadiskubre na paraan para maiwasan ito. Madali naman gamutin kapag meron nito, depende sa lokasyon sa matris at sa laki ng bukol. Lagi lang magpatingin sa doctor.
Doc. Heal ano po ba ang mga side effects pag nag pills Doc. heal? Grabe po ba ang mga side effects nito? – Angeli, 19, Mandaue City, …8644

Hindi naman grabe ang mga side effects ng Oral Contraceptive o pills. Maari kang mahilo, sumakit ang ulo, kumirot ang mga suso, mag-dagdag ng timbang, magkaroon ng “mood swings”, “irregular bleeding”, alta presyon, strokes at heart attack. Pwede din tumaas ang chance ng endometrial cancer.

Dear Doctor Heal, ako po si Myca of Cotabato. Nais ko lang po sanang itanong sa inyo ano po ba ang mabisang lunas para sa pekas ng anak ko, 4 years old. Malapit kasi sa ricemill ang bahay namin at laging nangangati. Kaya nagkakasugat at heto nga napuno na ng pekas ang legs nya. — …3704

Hello Myca, iwasan mo na lang na magkaroon pa ng dagdag na mga sugat, iwasan ang exposure sa ricemill kasi posibleng may mga maliliit na insekto na kumakagat sa kanya. Tsaka na lang gamutin ang mga pekas kapag malaki na sya.
Mapapakinggan din si Dr. Heal gabi-gabi sa DZIQ Radyo Inquirer 990am alas 8 hanggang 9:30 sa kanyang programang Radyo Mediko. Inaanyayahan din kayong sumulat o tumawag (519-1875, 519-1876) o kaya mag-text 09999858606 para sa inyong kaalaman sa inyong kalusugan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending