51% ng Pinoy nakakaranas ng ‘great stress’ dahil sa COVID-19, ayon sa SWS

Nakadungaw sa balkonahe ng kanilang bahay ang mga bata habang dumadaan ang isang  armored personnel carrier na may lulang  myembro ng Philippine National Police Special Action Force na ipinadala sa  Navotas City para tumulong sa pagpapatupad ng lockdown noong Hulyo 16. (Grig C. Montegrande/Inquirer)

Great stress ang dulot ng COVID-19 sa 51% ng mga Pilipino at ang stress ay ibayong mataas sa mga walang trabaho, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.

Sa national survey na isinagawa sa pamamagitan ng mobile phone mula Hulyo 3 hanggang 6, natagpuan na ang epidemya ay nagdulot naman ng “much stress” sa 35% ng adult na Pilipino. Samantala, 14% ang nakaramdam lamang ng kaunti o walang anumang stress.

Ang “great stress” ay naramdaman ng 62% ng mga nagugutom, at 48% ng hindi nagugutom. Abot sa 62% ng mga pamilyang nakaranas ng involuntary hunger sa nakaraang tatlong buwan ang nakakaramdam ng great stress, kumpara sa 48% sa pamilyang di nakaranas ng gutom.

Samantala, mas mataas ang antas ng stress na nararanasan sa Metro Manila at sa Visayas na umabot sa 56%, 49% naman sa natitirang bahagi ng Luzon, at 46% sa Mindanao.

Sa mga estudyante, ang dami ng nakakaranas ng great stress ay 58% sa mga junior high school graduates, kung ikukumpara sa 50% sa non-elementary graduates at pati na rin elementary graduates, 46% sa nasa kolehiyo, at 45% sa college graduates.

Magkapareho naman ang great stress na nararamdaman ng lalaki (52%) at babae (49%).

Sa gulang, ang great stress ay 52-55% sa 25-54-year-olds, kumpara sa 45% sa mga 55 years old at higit pa, at 41% sa 18-24-year-olds.

 

Read more...