Dahil sa epidemya, pagdalo ni Sylvia Sanchez sa mga international filmfests purnada

 

Screenshot mula sa pelikulang ‘Jesusa’

 

Noong wala pang COVID-19 ay nangako si Sylvia Sanchez na dadalo siya sa mga international film festival para sa pelikulang pinagbidahan niya.

Pero dahil ang unang international film festival na napasama ang “Jesusa” (2019) na idinirek ni Ronaldo Carballo ay sa London Fusion International Film Festival, hindi siya nakapunta.

Sa patuloy na pananalasa ng epidemya, hindi rin makakapunta si Sylvia sa gaganaping Asian Film Festival sa Rome, the Casa del Cinema, Largo Marcello Mastroianni 1 mula Hulyo 30 hanggang Agosto 5, 2020. Ang ibang Filipino films na kabilang din sa nasabing festival ay “Kaputol” (Mac Alejandre), “Edward” (Thop Nazareno), “The Halt” (Lav Diaz), “Watch Me Kill” (Thyrone Acierto), “Lola Igna” (Eduardo Roy, Jr), “Latay” (Battered Husband – Ralston Jover), at “Kalel 15” (Jun Lana).

Sabi nga ni Mara Lopez na kasama sa “Jesusa”, “So happy to hear this good news! Ronaldo C. Carballo’s ‘JESUSA’ is competing at the 17th Asian Film Festival in Rome, Italy also really cool that there will be an outdoor theatre screening where people can watch the film in a safer environment with social distancing!”

“If you’re in Rome, bring a mask and come through. Our team won’t be in Rome as it isn’t safe to travel and we are still on lockdown but grateful to be able to represent the Philippines once again. Congrats Direk Ronald, Ferdy Lapuz, Loka My, Junelle Rayos, Jojo Campo Atayde, Cyrus Khan at sa lahat ng bumubuo ng pelikulang ito,” dagdag pa nya.

Sa katatapos na 22nd Gawad Pasado Awards ay napagwagian ni Ibyang ang Pinakapasadong Aktres sa Teleseryeng 2019 ng Pamilya Ko kaya naman nagpapasalamat ng husto ang aktres.

Samantala, nag-post naman si Sylvia ng nakakatawang kuwento tungkol sa kaibigang si Aiko Melendez dahil na-wow mali!

Base sa post ni Sylvia ay tawang-tawa siya sa kaibigang si Aiko.

Ito kakatawang kwento ng magkakaibigan

Aiko: Ate (Sylvia) Cardinal Santos ka pa di ba?

Me: Bahay na

Aiko: Ate may pinadala ako sa’yo papunta na dyan sa Cardinal.

Me: Sino pa papadalhan mo sa Cardinal eh andito na ako sa bahay?

Aiko: ate nakita ko kasi ang post ni Bobby (Casuela-kaibigan nila)

Me: oo nag post nga si @fpbobby sa Cardinal nga ako pero nakauwi na ako.

Aiko: eh hinulaan ko kasi na nasa Cardinal ka.

Me: Aiks tama ka, pero kakalabas ko lang kanina, at alam mo ba yong late post?

At dito natataranta na Aiko ahahaha

Aiko: eh, ate sino pala papadalhan ko don? Kung wala ka na don?

Me: ewan ko sayo

Aiko: Ate ganyan kita kamahal, gusto kitang maging happy at masurpresa.

Me: Hahaha pero s’ya nasurpresa dahil wala na pala sya papadalhan ng flowers and fruits nya sa Cardinal Santos dahil nasa bahay na ako. Ito pa di nya alam ang room # ko ha ha ha surpresa nga di ba? Ha ha ha I love you Aiko, at di ko makalimutan

Kung gaano mo ako pinatawa ng araw na yon na sumakit ng husto tiyan ko.

“Salamat at dumating ang flowers and fruits mo din sa akin, pero pinagpawisan ka ng husto at nataranta ka bago mo naayos ang lahat hahaha naiimagine ko mukha mo noong araw na yan hahaha iba ka magpasaya @aikomelendez

“O Aiks, late post to ha ha ha ha salamat sa dasal sa pagmamahal sa flowers at fruits na pinadala mo. Love you mucho @aikomelendez napaka sweet mo.

“Ha, ha, ha, ha love you always ate ko,” ito naman ang sagot ni Aiko sa kuwento ng kaibigan.

Read more...